Brand ng idinonate ipinangalandakan pa; Ryan host na ng Eat Bulaga!
Naggi-guest na sa Eat Bulaga si Ryan Agoncillo pero mas special ang labas niya kahapon dahil regular host na siya ng noontime show ng TAPE, Inc. na napapanood sa GMA 7 at bale last Saturday ang kanyang launching.
Ang alam namin, matagal nang may offer kay Ryan na maging mainstay ng Eat Bulaga at kahapon lang siya natuloy at tuwang-tuwa ang mister ni Judy Ann Santos dahil matagal na niyang gustong mapasama sa Dabarkads ng Eat Bulaga.
Walang exclusive contract sa ABS-CBN si Ryan at puwedeng ’di magpaalam na kasama na siya sa Eat Bulaga pero nagpasubali pa rin siya bilang respeto. Naintindihan ni Ryan kung may hurt sa parte ng Channel 2 dahil may sitcom siya sa network, ang George & Cecil nila ni Judy Ann na umeere pa rin hanggang ngayon.
Makapagmamalaki si Ryan na siya pa lang ang nakakatawid ng walang problema sa ABS-CBN, TV 5 (with his Talentadong Pinoy) at GMA 7.
* * *
Sa halip na matuwa, na-turn off ang nakapanood sa isang TV personality nang ma-interview sa kainitan nang pagdo-donate ng relief goods para sa biktima ng bagyong Ondoy. Paano ba naman, inisa-isa ang mga ibinigay niya na puro branded.
As in, specified pa nito talaga ang brand nang ipinamigay na T-shirt, pants at kung anu-ano pa at kulang na lang, pati presyo nang ipinamigay ay sabihin. Pati nga brand ng bag na pinaglagyan ng goods na na-donate ay sinabi pa. ’Kaloka!
* * *
Masayang nakipagkuwentuhan si Nadine Samonte sa press na dumalo sa event ng S Magazine na featured ang lahat ng mga GMA Artist Center (GMAAC) talents. Nabanggit nito ang malaking tuwa na siya ang napiling ipalit kay Sunshine Dizon sa Tinik sa Dibdib.
Nabanggit niya na hindi pa sila nagkikita ni Sunshine at ’di niya alam kung ano ang sasabihin dito kapag sila’y magkaharap na.
Natsika rin nito na hindi siya nakatuloy sa Germany gaya nang una niyang plano dahil nasa Paris siya nang tawagan ng ama at hindi na pinatuloy sa Germany at may konting gulo sa ipinamanang bahay sa kanyang younger brother ng kanyang paternal grandparents.
Nasa Paris din si Nadine nang makatanggap ng tawag from GMAAC at pinababalik na siya ng Pilipinas dahil nga sa Tinik sa Dibdib. Bukod sa Paris, Amsterdam lang ang napuntahan nito.
May request pala sa GMA 7 ang mga fans ni Nadine, kung puwede pang bumalik ang karakter niyang si Roma sa Darna para magkasama sila ng kakambal niyang si Impy. Kaya lang, nang hukayin ang puntod ni Roma, kalansay na lang siya, paano pa babalik ang karakter niya?
* * *
Nakaw-eksena sa S Magazine event ang singer na si Viktoria at si Eduard George, ang life guard na kasama nina Ogie Alcasid at Michael V. sa Hole in the Wall dahil laging magkatabi at magka-holding hands pa. Kahit may kausap na iba si Viktoria, hindi naghihiwalay ang mga kamay nila ng binata.
Dedma raw sina Viktoria at Eduard na pinag-uusapan ang malaking agwat ng kanilang edad. Hindi namin alam kung ilang taon na si Viktoria, pero si Eduard ay 20 years old lang at nagta-try sa showbiz. In fact, nag-audition ito sa StarStruck V.
* * *
Sa first part ng Special episode ng Dear Friend, sobrang tuwa ni Yvette (Jewel Mische) nang mag-propose sa kanya si Tyron (JC de Vera). Perfect na ang lahat sa buhay niya pero biglang bumalik si Ella (Ynna Asistio), ang sister niyang may pagka-special.
Galit si Yvette kay Ella at matagal na niya itong kinalimutan, pero kailangan nilang magsamang muli.
Mapatawad pa ba ni Yvette si Ella? Tutukan ang bagong episode sa direksyon ni Mark Reyes at kasama sa cast sina Yayo Aguila, Mel Kimura, at Ces Quesada. Mapapanood ito sa GMA 7 after SOP.
- Latest