^

PSN Showbiz

Dahil sa parating na apo, nanay ni Paolo at Lian nagkasundo na

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Success ang opening ng photo exhibit ng S Magazine sa 2nd floor ng GMA building noong Huwebes ng gabi.

As usual, maaga akong dumating dahil naabutan ko pa ang pag-aayos sa magandang set na ginawa ni Bong Gacho.

Hindi ako nag-stay ng matagal dahil isnabera ang receptionist ng S Magazine. Wala siyang kagana-gana sa pagsagot nang itanong ko ang kinaroroonan ng photo exhibit.

Pero nang marinig niya na tinatawag ni Bong ang pangalan ko, biglang inabot ng isnaberang recep­tionist ang kanyang kamay at aktong makikipag-shake hands siya sa akin. Daay, dinedma ko rin siya!

Pasalamat siya dahil love ko sina Shirley Pizarro at Wilson Lee Flores kaya napigilan ko ang sarili ko sa pagtalak.

* * *

Hindi ko na-miss ang ribbon cutting dahil pag-uwi ko sa bahay, naabutan ko pa sa TV ang live coverage ni Lhar Santiago.

Nakita na kuntodo-bihis ang mga contract star ng Artist Center. May mga nakasuot ng long gown at tuxedo kaya nagmukhang mga artista sila.

Napansin ko na maraming guwapo at maga­gandang talent ang Artist Center.

Proper break at exposure lang ang kulang sa kanila. May mga potensyal sila na magkaroon ng name sa showbiz. 

* * *

Five months pregnant si Lian Paz at magsisilang siya sa March 2010.

Kung si Paolo Contis ang masusunod, gusto niya na manganak si Lian sa March 14 para pareho sila ng birthday ng bagets.

Magandang magbuntis si Lian. Baka nga babae ang kanyang ipinagbubuntis at okey na okey ito dahil walang anak na babae ang mga magulang ni Paolo.

Hindi totoo na hindi tanggap si Lian ng madir ng kanyang boyfriend. Ang sey ni Lian, nagkita na sila ng Mommy Jean ni Paolo at okey naman sila.

I’m sure, excited na rin ang mga magulang ni Paolo sa nalalapit na pagdating ng kanilang apo.

vuukle comment

ARTIST CENTER

BONG GACHO

DAAY

LHAR SANTIAGO

LIAN

LIAN PAZ

PAOLO CONTIS

S MAGAZINE

SHIRLEY PIZARRO

WILSON LEE FLORES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with