^

PSN Showbiz

Gerald at Enchong pinagsasabong

- Veronica R. Samio -

Once pa lamang nagkasama sa movie, at ga­nun­din sa TV sina Bea Alonzo at Sam Milby pero agad ay tinanggap ang tandem nila ng mga fans. Hindi nga makapaniwala si Bea na patuloy ang pagdami ng supporters ng Bea/Sam tandem.

“Nakakatuwa talaga na people appreciate our team-up. I’ve been paired off with the different lead­ing men pero, aside from Lloydie (John Lloyd Cruz) parang pinaka-gusto ng fans si Sam.

“Ayoko rin naman kasing masyadong depen­dent kay Lloydie. We have to grow din as indivi­duals. Pero hindi ibig sabihin maghihiwalay na kami. In fact we’ll be doing a Valentine movie,” sabi ni Bea na overwhelmed sa mainit na pagtang­gap ng manonood sa Your Song Presents Someone To Love na kung saan together again silang muli ni Sam.

* * *

Para namang unfair yung ginagawang pagsasabong ngayon kina Gerald Anderson at Enchong Dee only because sinabi ng huli na may feelings siya for Kim Chiu.

Kung ang layunin dito ay papag-initin muli ang Kim/Gerald tandem, parang mali yung naisip nilang paraan.

Kung balak nilang iangat si Enchong who’s doing a good job in Katorse na matagumpay na naagaw si Erich Gonzales sa ipina-partner sana ditong sina Xian Lim at EJ Falcon, sana not at the expense of Gerald na matagal na rin at patuloy na ini-establish ang kanyang sarili bilang isang actor at bilang bahagi ng isang matagumpay na loveteam.

* * *

Inaasahan ang pagdalo nga­yong hapon ni Melanie Marquez, endorser ng New Placenta products sa 3rd Marpe Health Expo ’09 na magaganap sa Megatrade Hall 1, SM Megamall, 6:30 ng gabi. Nagsimula na ang event nung Oct. 23 at matatapos ito bukas, Oct. 25.

vuukle comment

BEA

BEA ALONZO

ENCHONG DEE

ERICH GONZALES

GERALD ANDERSON

JOHN LLOYD CRUZ

KIM CHIU

LLOYDIE

MARPE HEALTH EXPO

MEGATRADE HALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with