^

PSN Showbiz

Dahil sa mga kaibigang Nag-TNT, Sikat na movie personality banned sa Korea; Carlene naawa kay Cristine

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Bawal sa Korea ang isang popular at controversial movie personality dahil sa kapalpakang ginawa at ng mga kasama nang dumalo sa Pusan International Film Festival a few years ago.

May limang isinama si popular movie personality sa Pusan, kaso nag-TNT ang mga diyaske at ‘di na bumalik sa Pilipinas at hanggang ngayon, hindi pa nakikita ang mga taong ‘yun. Ang nangyari, si PMP ang napagdiskitahan, siya ngayon ang banned sa Korea.

Naapektuhan din sa paghihigpit ng immigration ng Korea si Arnold Reyes na kasama dapat ng entourage ng Astig na dadalo sa Pusan International Film Festival. Hindi siya pinayagang makaalis lalo’t walang naipakitang bank statement.    

* * *

Sina Jaya at Allan K pa rin ang hosts ng Bandaoke! Rock n’ Roll to Millions na magpa-pilot sa Sunday, October 25. Kasama nila rito sina Frencheska Farr at Geoff Taylor na winners ng Are You The Next Big Star?, si Jay Perillo na produkto rin ng Are You.., at ang binuong banda ng Bandaoke na makakatulong ng musical director na si Ric Mercado.

Welcome sa dalawa ang pagbabago ng format ng show dahil mas masaya at feeling recharge sila after six years nila sa eight years ng All Star K!. Mas madali rin daw manalo sa Bandaoke at ang kahilingang showcase ay nasa studio na mismo.

Nakinig pala kami sa kuwento ni Jaya sa experience niya noong nagsasama pa sila ng American husband niyang si Andrew. Ayaw nitong makipag-holding hands dahil mainit daw, ayaw magkaanak at kung saan-saan siya dinadalang mga girlie bar noong nandito ang ex.

“Na-realize kung he was not the marrying type of guy. Weird lang na nag-usap kaming magpakasal over a cup of coffee at nag-usap ng divorce over a cup of coffee rin. Nag-toast pa kami, hurt ako but I did not cry. At least, nakatikim ako ng puti at yummy siya, pero mas masarap at mas masaya ang buhay ko ngayon,” ani Jaya.

* * *

May koneksiyon sina Carlene Aguilar at Katrina Halili na gumaganap na bestfriends sa Rosalinda. Naka-relasyon ni Katrina at naging downfall si Dr. Hayden Kho na tsika ni Carlene, nanligaw din sa kanya noong pareho pa silang modelo. Kaibigan naman ni Katrina si Cristine Reyes na naging karibal ni Carlene kay Dennis Trillo.

Iniiwasan nga lang nilang pag-usapan sina Hayden at Cristine at nabanggit lang nang makausap namin si Carlene sa taping ng Rosalinda. Sobrang naging close raw sila ni Hayden at sabi nito, “mabuti na lang at hindi ko siya sinagot.” Dati raw fresh looking si Hayden, mas bata, mas guwapo, mabait at malambing sa kanya.

Natawa rin kami sa sagot ni Carlene sa tanong kung binaha siya dahil akala namin taga-Marikina siya. “Si Cristine ‘yun,” madiin nitong sagot.

Naawa ba siya sa nangyari kay Cristine?

“Siyempre nakakaawa rin dahil para kang nasunugan. Pero lagi namang may kapalit na maganda ang mga ganu’ng pangyayari at maganda naman yata ang nangyayari sa kanya.”

* * *

May malaking pagbabago raw sa isang musical show ng isang network dahil may mga taong inalis at papalitan para mas gumanda ang show. Intriga ito, pero hintayin natin kung maglalabas ng official announce­ment ang network sa ginawa nilang pagba­lasa sa staff ng kanilang show.

Hindi nga lang tuluyang mawawalan ng show ang mga taong inalis sa musical show dahil tiyak na may ibang show na ibibigay sa kanila.

* * *

Friday sa Stairway to Heaven, maghaharap sa dinner sina Cholo (Dingdong Dantes), Eunice (Glaiza de Castro), Charlie (TJ Trinidad), at Jenna (Rhian Ramos). Si Cholo ang nag-set up ng dinner para sa kanila ni Jodi at may gusto siyang patunayan.

Tanggapin kaya ng maluwag nina Eunice at Charlie na wala na sa kanila sina Cholo at Jenna? Subaybayan ang lalong umiinit na istorya ng Stairway to Heaven sa GMA-7.

ALL STAR K

ALLAN K

ARE YOU

BANDAOKE

CARLENE

HAYDEN

JAYA

PUSAN INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with