Pagpapakamatay habit na ni Lyka Ugarte
Sa inyong lingkod ini-assign ang pagsusulat ng script ng feature story tungkol sa suicide try ni Lyka Ugarte na inyong napanood sa Startalk noong Sabado. Sa kasamang Gorgy Rula bumagsak ang text message ng anak ni Lyka, si Kimberly, tungkol sa kanyang ina. Si Gorgy na rin ang nag-interbyu sa dating aktres sa tahanan nito sa Project 8, Quezon City.
To cut the story short, ikaapat na attempt na ‘yon ni Lyka sa pamamagitan ng pag-inom ng sari-saring sleeping pills na ikinahantong niya muna sa Lourdes Hospital until she was transferred to Makati Medical Center nitong October 11.
Patung-patong na depression-causing problems ang itinuturong dahilan ni Lyka na matagal na niyang dinadala since her third suicide try in 2007. Kabilang dito ang kawalan ng trabaho, hence her inability to provide the needs of her four children; ang sinapit umano niyang sexual harassment sa isang empleyado ng PAGCOR (the case of which is still ongoing); ang pag-iwan sa kanya ng kanyang partner of two years, all this aggravated by typhoon Ondoy kung saan napurnada pa ang pagbebenta niya ng kanyang mga gamit sa bahay as means to survive.
Magkahalong awa at pagkadismaya ang naramdaman ko while previewing the 40-minute or so material. Awa dahil hindi biro ang maging isang single parent tulad ni Lyka, pero pagkadismaya dahil sa kanya na rin mismo nanggaling na ang kanyang ginawa ay patunay lang ng kanyang pagiging makasarili.
May pang-unawa pa sanang kalakip ang sentimyento ko para sa dating aktres kung ang suicide try na ‘yon ay hindi umabot sa ikaapat na pagkakataon. “Siguro, sa fifth time, dapat baril na ang gamitin ko para matuluyan na ‘ko,” Lyka said half-jokingly, sabay bawi, “pero kung magiging gulay din lang ako, huwag na lang.”
Kung nasipat n’yo nang maigi ang itsura ngayon ni Lyka, her looks have barely changed. Bagama’t tumaba nang kaunti, taglay pa rin niya ang ganda reminiscent of her active showbiz years in more than one film by director Danny Zialcita.
Surely, kung gagamitin niyang puhunang muli ang kanyang hindi naman gaanong kumupas na ganda, notwithstanding her gift of eloquence at husay sa akting, ay meron siyang muling kalalagyan.
Bagama’t iba’t iba naman tayo ng tinatawag na threshold sa anumang negatibong karanasan sa buhay, siguro naman, ang pagpapatiwakal ang pinakahuling paraan ng taong binugbog ng labis na depresyon. In Lyka’s case, taking her own life at least unsuccessfully has become a habit, hindi na ‘yung ultimate means niya to get away with her misfortunes.
Totoo, we all have a reason to live for as well as to die for. Dapat isaisip ng matalino pa namang si Lyka that life is not just a destination, it is a journey.
Ang kaso, Lyka as this may sound to her—has just the beauty of face with an ugly perspective in life. She’s just another Criselda Volks.
- Latest