^

PSN Showbiz

KC sumugod uli ng Mindanao

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Umabot lang sa P1.5 million ang gastos nina Joel Torre at Ronnie Lazaro para sa kauna-una­han nilang project as producer ng indie film na Ang Beerhouse.

Presyong kaibigan daw lahat ng kasama sa peli­kula mula sa bidang si Ryan Eigenmann, Jeffrey Quizon, at Gwen Garci at maging ang director nilang si Jon Red, sabi ng magaling na aktor na si Joel na sa pagkakataong ito ay nagpo-promote bilang producer para sa kanilang itinayong movie production na Pabrika Pictures and Pelipula.

Pero kung hindi raw nila mga kaibigan ang kasa­ma sa pelikula, malamang umabot sa P3 milyon ang nagastos nila.

Katuwiran ni Joel, sa industriya na siya nagka-edad at namuti ang buhok kaya panahon na gu­ma­w­a naman sila ng paraan para makatulong sa in­dustriya na ang karamihan na sa ginagawang pelikula ay indie.

Dagdag pa ni Mr. Joel na kumita o hindi ang peli­­kulang ito, gagawa pa rin sila ng mga pelikula. “Kaila­ngan lang sigurong magbenta uli ako ng maraming manok,” joke ng magaling na actor na may-ari ng JT’s Manukan.

Kaya nga raw Pabrika Pictures and Pelipula ang production nila dahil magiging pabrika ito ng pelikula.

Dagdag nga ng isa pang magaling na aktor na si Ronnie Lazaro na kapapanalo lang best actor sa URIAN, “baka makatulong kami sa pagyabong ng pelikula sa bansa.”

Ang takot lang nila, baka maunahan sila ng mga pirata.

“Ang piracy ang talagang pumapatay sa industriya natin,” dagdag ni Joel.

And for change, bida si Ryan sa Ang Beerhouse.

Nakilala siyang kontrabida.

Si Noynoy siya sa Ang Beerhouse na nagpapatakbo ng isang barbeque stand kasama ang kanyang kaibigan across Red Light Beerhouse.

Dito niya makikilala ang isang bar girl na si Jewel (Gwen Garci) at mai-in love siya.

Though takot siyang makabangga ang pimp ni Jewel na si Harry (Jeffrey Quizon), nag-isip pa rin siya kung paano itakas si Jewel.

Pero may mas malalim na kuwento ng buhay ang mapapanood sa pelikula dagdag ni Direk Jon.

Magkakaroon ng premiere night ang Ang Beerhouse sa October 18, 8:00 p.m. sa Cinema 6 ng Market, Market at ang regular run ay magsisimula sa October 20, 5:30 p.m. sa Market, Market and October 28, Robinson’s Galleria Indie Cine.

Ang San Miguel Beer and major sponsor sa gaganaping premiere night.

* * *

Got a text. “Panalo na naman daw ang Stairway to Heaven noong Tuesday 31.2%, Wednesday 30.5: and Thursday 32. 7%.”

* * *

Malakas din talaga ang loob ni KC Concepcion. Kailan lang ay nanggaling na naman siya ng Mindanao.

“Got home late last night from warzones in Mindanao. whew. Happy World Food week! Feed the children of the world! Yahoo!”

* * *

Hindi kailangang lampa ni Ruffa Gutierrez sa kanyang gagawing pelikula sa Regal Films, Shake Rattle and Role for Ukay Ukay episode. “My role as Kayla in Shake’s Ukay Ukay episode is physically challenging so I need to be fit, not lampa.”

Nag-harness training na siya. “Grabe I was thrown around sideways & upside down for hours.”

* * *

Hindi na pala sa Araneta Coliseum ang Kaya Natin Ito (all star concert para sa mga biktima ng bagyong Ondoy at Pepeng) na pinangungunahan ni Ogie Alcasid. Sa SM MOA Concert Gounds na raw ito gagawin at sa December 5 na para mas may time silang mag-prepare.

Si Rowel Santiago ang overall director.

ANG BEERHOUSE

ANG SAN MIGUEL BEER

ARANETA COLISEUM

CONCERT GOUNDS

GWEN GARCI

PABRIKA PICTURES AND PELIPULA

RONNIE LAZARO

SHY

UKAY UKAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with