Michael V. makikipagbanggaan kay Ryan
Hindi naman itinatanggi ng GMA 7 bagaman at hindi rin nila direktang tinatanggap na naapektuhan sila ng Talentadong Pinoy (TP) ng TV5 hosted by Ryan Agoncillo. Ito ngayon ang numero unong palabas ng TV 5 na kumukuha ng pinaka-maraming porsiyento ng manonood sa lahat ng istasyon ng telebisyon.
Katapat ng TP ang maraming taon nang namamayaning Bitoy’s Funniest Video ng GMA. Sa kabila ng matagal na pagiging no.1 nito, hindi nagdalawang isip ang Siete na palitan ng isang bagong palabas bilang pagsunod sa makabagong panahon na may katulad na format ng TP pero, international ang dating.
Magkakaroon ito ng mga contestants na imported, galing abroad. At para makakuha ng maraming kalahok, ang GMA 7 ang pupunta sa mga contestants ‘di tulad ng dati na sila ang hinahanap ng mga ito. At dahil bagong show ito, mga bagong kalahok lamang ang tatanggapin, yung hindi pa napapanood at hindi pa nakakasali sa ibang mga pakontes sa TV.
Pinamagatang Showwwtime, si Bitoy (Michael V.) din ang magiging host nito.
Sa Showwwtime, isang futuristic emperor si Michael V na naghahanap ng pinakamahusay at pinakabagong international na Pinoy. Sa tulong ng kanyang payaso na gagampanan ni Mang Enriquez, ipiprisinta niya ang kanyang mga discoveries sa pamamagitan ng apat na segment ng programa - ang Talbugan, Videokariran, Facemuk, at Gaya Mo Yun?
Live showdown ang mga contestants ng Talbugan. Ang apat na kalahok na mapipili sa audition ay tatawaging Bida sa Talbugan.
Bawat isa sa kanila ay kailangang ipagtanggol ang kanilang titulo sa loob ng apat na linggo para manalo ng kabuuang halaga na P300,000. Bawat linggo makakapag-uuwi ng P75,000 ang mananalo.
Ang Videokariran ay para naman sa mga Pinoy sa abroad na gustong ipakita ang kanilang talento sa pamamagitan ng internet, sa website na www,bitoystv.com. Isa sa tatlong pinakamagagandang video na ipalalabas ang mananalo.
Mga nakakatawang video naman ang itatampok sa Facemuk. Mananalo ng Canon video camera ang pinaka-nakakatawang video ng linggo.
Sa Gaya Mo Yun? Hahanapin ng Showwwtime ang pinaka-magaling na grupo na binubuo ng lima hanggang pitong myembro na makakapag-perform ng pinaka-sikat ngayong awitin at dance craze.
Mayroong mga hurado na siyang magba-bracket ng mga kalahok.
Linggu-linggo iba-ibang celebrity judjes ang tampok.
Simula na ng Showwwtime ngayong Sabado, pagkatapos ng Celebrity Duets, sa GMA 7.
* * *
May ino-organisang live concert si Ogie Alcasid sa Dec. 5 para sa mga biktima ng bagyo. Umoo na ang maraming kaibigan niyang performers tulad nina Jaya at Jessa Zaragoza na bago pa ang alok ni Ogie ay nagdaos na ng sarili niyang fund-rasing concert para rin sa mga sinalanta ng Ondoy.
Sa isang event na si Ogie ang organizer, mawawala ba sina Regine Velasquez, Michael V, at Janno Gibbs, at ang cast ng SOP. Siyempre, susuportahan din siya ng Kapuso Network.
* * *
Isa sa may pinakamaraming nominasyon sa American Music Awards si Taylor Swift, silang dalawa ni Michael Jackson.
Siya (Taylor) yung binastos ni Kanye West sa MTV music awards night na pati ang kasalukuyang pangulo ng US ay nagalit din.
Dahil sikat, siguradong maiimbitahan din si Kanye. Ulitin kaya niya ang pambabastos kay Taylor?
- Latest