^

PSN Showbiz

Castaway sa Survivor Philippines nagwala, nag-iiyak

- TV UPDATE -

MANILA, Philippines - Wala nang makapipigil pa sa mga tumitinding eksena sa Survivor Philippines : Palau.

Talagang makapigil-hininga ang ikalawang tribal council ng Sonsorol tribe na mapapanood bukas ng gabi.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Survivor franchise sa buong mundo, isang Cast­away ang magwawala sa kaiiyak sa Tribal Council matapos ianunsiyo ang isang hindi inaasahang twist na tunay na ikagigimbal ng lahat.

Matatandaang namayani na minsan ang alyansa ng mga babaeng Castaways na kinabibilangan nina Amanda, Mika, Jef, Echo at Justine para matanggal sa Tribal Council ang itinuturing na pinakamalakas nilang kalaban na si Marvin Kiefer.

At napagkasunduan na rin ng girls’ alliance ang kanilang mga susunod na hakbang at kung sino ang nasa listahan ng kanilang mga ibobotong miyembro ng tribo.

Ngunit sa isang twist na iaanunsyo sa Tribal Council, mababago ang lahat ng kanilang mga plano at isang Castaway ang guguho ang mga pangarap para mapanalunan ang tatlong milyong pisong premyo.

Tuluyan na kayang maubos ang mga lalaking Castaway dahil sa taktika ng girls’ alliance?

Sino ang mag-aakalang matatag ang kanyang kapit sa alyansang kanyang kinabibilangan ngunit ito rin pala ang mismong magtatanggal sa kanya sa laro?

Sino ang magiging biktima ng isa sa pinakamalaking ‘blindside’ sa Survivor Philippines?

Huwag palampasin ang pinakamadamdaming Tribal Council sa kasaysayan ng Survivor franchise bukas, Biyernes, sa GMA Telebabad.

Housemates Surrender na sa task ni Kuya?

Unang dalawang linggo pa lang, hirap na ang mga housemates sa mga task na pinapagawa ni Kuya sa Pinoy Big Borther Double Up. Kamakailan lang, ni-level up ni Kuya ang challenge para kay Rob na nagpanggap na kasintahan ng TransPinay na si Rica sa House A. Kailangan niyang mag-propose kay Rica ng kasal. Kahit na hiyang-hiya na, tinanggap pa rin ng binata ang panibagong hamon.

Very effective pa naman ang kanilang make-believe romance, dahil marami sa kanilang mga housemates ang napaniwala nila sa kanilang sadyang “slip-ups” tulad na lang nang pagsabay nilang pagligo na naging sentro ng chismisan ng mga housemates.

Lumevel up din ang task nina Patrick at ng mag-asawang si Jimson at Kath.

Kailangan namang i-celebrate ng nagkukunwariang mag-asawa na si Patrick at Kath ang kanilang anniversary kung saan si Jimson mismo ang magiging waiter sa date nila.

Hirap na hirap na ang real life couple na sina Kath at Jimson sa kanilang paghihiwalay. Ang houseband, sabik na sabik nang mayakap ang kanyang asawa.

Si Patrick din ay nangungulila sa asawa sa outside world. Marami kasi siyang ginagawang romantic gestures para kay Kath na sana raw ay magawa niya sa kanyang tunay na asawa.

Kahapon ay tuluyan nang bumigay si Jimson at inamin na siya ang tunay na asawa ng La Señora.

Susuko na nga ba ang mga housemates sa task ni Kuya?

‘Yan ang dapat abangan ngayong hapon sa Uber kasama si Mariel Rodriguez, pagkatapos ng Banana Split.

Tunghayan naman ang full story ng task ng mga housemates, sa Pinoy Big Brother Double Up, pagkatapos ng Dahil May Isang Ikaw kasama si Toni Gonzaga.

Alamin din ang freshest news kasama si Bianca Gon­zales sa PBB Double UpLate.

Sun may Libreng International Text

 Sa Sun Cellular, konektado ka kaagad with your loved ones abroad dahil sa libreng international texts sa Sun Prepaid SIMs! 

Sa Sun Prepaid SIMs ngayon, may dagdag na free load — five free international texts.

Pagka-activate ng kahit anong Sun Prepaid SIM – Sun P59 Super Value SIM, Sun P49 Call & Text International SIM, Sun P39 Super Combo SIM, or Sun P29 Super Budget SIM, mate-text mo na agad ang mga families and friends mo sa any mobile number in the following countries: US (main), Canada, Singapore, Hong Kong, UAE, Malaysia, Macau, Japan, Qatar, Brunei, Guam, Hawaii, Oman, Cayman Island, Cyprus, Turkey, Northern Marianas Island, Jamaica, Bahamas, and Puerto Rico.

At ’pag nagamit na ang lahat ng free international texts, mae-enjoy pa rin ng mga Sun Prepaid subs­cribers ang pagte-text nila abroad. Basta maglagay lang ng Sun regular load. At para patuloy pa rin ang ko­munikasyon sa kanilang mga families and friends dito sa Pilipinas, mag-load ng any Sun Call & Text Unli­mited and Sun Call & Text Combo product.

Para sa karagdagang impormasyon sa mga pro­dukto at services ng Sun Cellular na may more than 10 million subscribers na, mag-log on sa www.suncellular.com.ph o tumawag sa (02) 395-8000.  

vuukle comment

BANANA SPLIT

KANILANG

KUYA

SUN

SUN CALL

SUN PREPAID

SURVIVOR PHILIPPINES

TRIBAL COUNCIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with