Nadine tuwang-tuwa sa grasya
Nahulaan ng readers ang aking blind item tungkol sa aktres na tsinugi sa sariling show dahil hindi siya nakakapag-taping.
Obvious na si Sunshine Dizon ang subject ng aking blind item dahil kalat na ang balita na tinanggal siya sa Tinik Sa Dibdib.
Kumpirmado na ang pagkakatsugi kay Sunshine dahil nakahanap na ang GMA 7 ng ipapalit sa kanyang role.
Si Nadine Samonte ang ipinalit kay Sunshine, Knowing Nadine, tuwang-tuwa ito sa malaking grasya na dumating sa kanya.
Imagine, nagreklamo siya sa role niya sa Darna bilang Babaeng Impakta pero nagkaroon agad ito ng magandang kapalit?
Sino nga ba ang mag-aakala na mapapalitan si Sunshine? Nakapag-taping na siya ng maraming beses, nag-presscon at ipinalalabas na sa TV ang Tinik Sa Dibdib?
Sa totoo lang, marami ang nanghihinayang dahil nawala kay Sunshine ang lead role sa Tinik Sa Dibdib. Mahusay umarte si Sunshine pero bale-wala ang kanyang talent kung hindi naman siya nakakapag-deliver.
Baka matagalan pa bago siya mabigyan ng show sa GMA 7 dahil malaking problema ang ibinigay niya sa network at sa production people.
* * *
Pupunta sa Amerika ang mag-asawang Sandy Andolong at Christopher de Leon dahil panonoorin nila ang laban ni Manny Pacquiao kay Miguel Cotto.
Mauunang bumalik ng Pilipinas si Sandy. Hindi siya puwedeng magtagal sa Amerika dahil sa tapings niya para sa Stairway to Heaven.
Mataas ang ratings ng Stairway To Heaven kaya ganadong-ganado sa pagtatrabaho si Sandy. Tuwang-tuwa siya dahil magaan ang working relationship nila ng kanyang co-stars.
* * *
Malalaman ninyo ang tunay na kalagayan ng relasyon nina Paolo Contis at Lian Paz sa anniversary presentation ng Startalk.
Pumayag na ang dalawa na magpainterbyu ng exclusive para sa 14th anniversary ng nag-iisang talk show na showbiz authority.
Matagal nang hindi nagkukuwento sina Paolo at Lian tungkol sa kanilang love affair. Puro speculations ang naririnig ng madlang-bayan at para maiwasan ang mga maling tsismis, sila na ang babasag sa kanilang katahimikan. Babasag daw o!
* * *
Nakakatensyon ang malakas na ulan at hangin kahapon.
Nag-alala ako para sa mga kababayan natin na hindi pa nakaka-recover sa perwisyo na dala nina Ondoy at Pepeng.
Ipagdasal natin na huwag nang masundan ang bagyo dahil dusang-dusa na ang ating bansa.
- Latest