Karen tutukuyin ang may sala sa pagbaha
MANILA, Philippines - Kalikasan nga ba ang may kagagawan ng malawakang pagbaha sa iba’t ibang parte ng bansa? Ayon sa mga eksperto sa urban planning, may sala rin ang tao at ang pamahalaan dito.
Samahan si Karen Davila sa kaniyang pagsasaliksik tungkol sa problema ng urban planning sa Pilipinas at kung paano ito nagdudulot ng pagbabaha ngayong Martes (Oct. 13) sa The Correspondents.
Sadyang malapit sa pagbabaha ang Metro Manila kahit noong panahon pa ng Kastila kaya nagkaroon ng mga estero noon. Ngunit ngayon, hindi lamang basura kundi mga iligal na residente ang nakabara sa sana’y maayos na daloy ng tubig baha.
Bukod sa kawalan ng Flood Control Plan, hindi rin dininig ng gobyerno ang suhestiyon ni Jun Palafox, isang eksperto sa urban planning, na mga disenyo ng bahay o gusali na matatag sa panahon ng kalamidad.
Para sa ibang isyung tinalakay sa programa, pumunta lang sa http://thecorrespondents. multiply.com/. Samahan si Karen Davila sa pag-analisa sa pasikut-sikot ng problema sa urban planning sa Pilipinas ngayong Martes (Oct. 13) sa The Correspondents, pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.
- Latest