Klaudia walang TF sa indie film na pang-Katoliko
Ikatlo at huling bahagi na ito ng aking serye tungkol kay Rosanna Roces na inihahalintulad ko sa isang putaheng mayaman sa cholesterol kaya nakakaumay na.
Maging si Lani Mercado ay hindi rin nakaligtas sa matalim na dila ni Osang na naging litanya niya sa iniereng episode ng Juicy kahapon, the most parts of which were understandably edited out.
Ang bansag ni Osang sa kanyang balae ay “Bangaw” patungkol nga naman sa malaking nunal nito sa noo.
Nakapagtatakang matagal ding nag-host si Osang ng Startalk until her voluntary resignation, dapat alam niya ang broadcasting ethics. Pero ang pagge-guest niyang iyon sa naturang programa ng TV5 ay walang iniwan sa pamamangka sa isang tsipanggang beauty parlor discussion.
Banat pa ni Osang: “Kung si Lolit (Solis), nag-orchestrate ng scam, kaya ko ring mag-orchestrate ng smear campaign laban sa mag-asawang Bong at Lani sa Cavite para huwag silang iboto ng tao!”
Nitong Sabado sa talent room ng Startalk ay ibinahagi ko ang kuwentong ito sa dating Kapamilya ni Osang led by her former manager ’Nay Lolit. Sa wikang Ingles, sinagot ni ‘Nay Lolit ang mga patutsada ni Osang. Sa pangangalkal nito ng lumang isyu, “She’s still in a time warp!”
Sa claim nitong wala namang sustento mula sa pamilya Revilla para kay Gab, pet named Budoy, sa loob ng apat na taon: “She believes her own lies.”
Back to the TV5 premises, sa kaiiwas ko ring maabutang makaalis si Osang sa studio ay siyang labas niyang patawid ng parking area. Nagtama ang aming mga tingin, napabuka ang bibig niya, wari’y na-shock pa, but I knew she saw me earlier.
Osang then called out Onyok na nagmaneho pala sa kanya. And guess what, ang gamit-gamit na van ni Osang ay kahawig ng van ni Lolit Solis! Pagyayabang ni ’Nay Lolit: “At least, yung akin, fully paid, ’no!”
Same vehicle, iba nga lang ang sinapit: Lumubog at tumirik ang kay ’Nay Lolit sa tubig-baha nitong bagyong Ondoy, samantalang lubog ang career ng may-ari ng van na tumatakbo nang maayos.
* * *
Kung inakala n’yong wala ng libre sa panahon ngayon, huwag n’yong idamay ang serbisyo nina Klaudia Koronel at Mon Confiado na kapwa hindi nagpabayad sa latest project nilang indie film.
Bida sina Mon at KK sa pelikulang Estasyon, written, produced, and directed by Cesar Apolinario. Soft porn director-turned-documentarist ang role ni Mon, samantalang “mater dolorosa” ang papel ng bagong kasal na si Klaudia.
Sumesentro sa mismong interview ni direk Cesar, also a GMA 7 news reporter, ang Estasyon in his coverage of the Feast of the Black Nazarene noong isang taon. Obvious na isasali niya ito sa international film festival dahil sa English subtitle nito, whose original producer backed out pero itinuloy na rin ni Direk Cesar ang pamumuhunan.
Kilalang kaanib sa kapatiran ng Iglesia ni Kristo si Klaudia, kaya may limitasyon ang paglabas niya sa isang pelikulang may paksang Katoliko.
- Latest