^

PSN Showbiz

Cesar ayaw ipaalala ang pagtulong sa mga binaha

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Itutuloy ni Cesar Montano ang plano niyang maliit na international film festival sa Bohol.

Siya ang magiging chairman at si direk Maryo J. delos Reyes ang tatayong presidente na isa ring Boholano tulad niya.

“Matagal na namin itong plano,” kuwento ng aktor na naglibot sa Zamboanga last Sunday para sa fiesta ng birhen ng Pilar, sa Pilar, Zamboanga kung saan naka-base ang planta ng Mega Sardines na siya ang endorser.

“Nasa planning stage na. Nakikipag-coordinate na rin kami sa mga taong concerned sa mga international film fests.”

Samantala, iilan ang nakakaalam na isa rin sa mga tumulong si Cesar sa mga binaha noong kasagsagan ni Ondoy sa lugar ng Vista Real Classic, Quezon.

Hindi nilubog ng baha ang bahay nila ni Sunshine Cruz sa nasabing lugar kaya mas pinili niyang tumulong kasama si Bayani Agbayani na kapitbahay nila.

Kasama siya sa lugar ni Gerald Anderson na hindi niya nakilalang nakatulong nila sa pagliligtas ng mga binaha.

“Tapos na yun. ’Wag na natin masyadong pag-usapan. Importante nakatulong tayo,” pakiusap niya.

Pero nagpapasalamat siya na ang Muro Ami (pelikula niya tungkol sa dagat) ang rason kaya siya nakatulong sa mga biktima ng grabeng pagsalanta ni Ondoy na sinundan pa ni bagyong Pepeng.

Bukod sa The Singing Bee, na once a week napapanood, busy din si Cesar as endorser ng Mega Sardines. Full blast ang campaign nila sa buong bansa.

Wala na ring urungan ang pagpasok niya sa pulitika. Pero this time hindi na sa national position, pang-local na lang siya, sa Bohol — gobernador.

Wala pa siyang line up, pero 100% sure na siya this time. Before kasi may kaunti pa siyang hesitations.

Hindi na rin siya under sa administration party. “I’m not sure yet, pero malamang sa Liberal Party,” sabi niya.

Bigatin ang dalawa niyang kalaban, pero wala siyang planong mag-back out.

Kaya nga madalas na siya sa Bohol.

Minsan daw binisita niya ang eskuwelahan kung saan nalason at namatay ang maraming bata. Naging pelikula ang kuwentong yun.

Anyway, bago pa siya sumakay sa float ng Mega Sardines last Sunday, isinama kaming mag-tour sa pagawaan ng nasabing kumpanya ng sardinas.

Una kaming dinala sa lugar kung saan dumadaong ang barko sakay ang mga hinuling isda na tamban — ang Mega Fishing Corporation 175 meters margina wharf, dry-docking facilities.

Sobrang yaman ng dagat ng Jolo dahil feeling ko, hindi nauubos ang isdang huli nila sa magdamag. Sa nasabing lugar daw sa Mindanao nangingisda ang mga barko na pag-aari ng Mega gamit ang high-tech sonar fish finder para madaling malaman kung saan maraming isda. Meron silang 55 na vessels na nangingisda sa dagat ng Mindanao.

Pagdaong ng barko, meron silang gamit na fish pump technology papunta sa malalaking plastic container habang nilalagyan ng mga crushed ice na parang panlagay sa halu-halo para mapanatiling sariwa ang isda.

Tapos doon ay dadalhin ang isda sa lugar kung saan ito ilalagay sa lata, sa modern steam dry fishmeal plant and high tech sardines canning plant.

Actually, nakaka-amaze ang nasabing planta.

May sarili rin silang 360 tons ice plant sa Zamboanga (considered as the biggest in the whole Mindanao) na pinuntahan din namin and 600 metric tons cold storage plant.

In fairness to the company na pag-aari ni William Tiu Lim, malinis ang nasabing planta. Kaya napi-feature ito sa mga shows ng GMA 7 and ABS-CBN.

Minsan na itong napanood sa Matang Lawin. Dumayo pa si Kim Atienza para doon.

Minsan ko rin itong napanood sa Balitang K and Jessica Soho Reports.

BALITANG K

BAYANI AGBAYANI

BOHOL

CESAR MONTANO

MEGA SARDINES

MINDANAO

MINSAN

SIYA

ZAMBOANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with