Dahil sa kapayatan Kim 'binigyan' ng relief goods; Ricky at Jackielou nahihiyang umaming hiwalay na?
Kabi-kabila ang blind item sa mag-asawang Ricky Davao at Jackielou Blanco. Alam na sa buong showbiz na may kanya-kanya na silang karelasyon pero balitang nagsasama pa rin sila sa iisang bahay.
Nagsasama silang parang isang masayang pamilya kasama ang kanilang mga anak ayon sa mga nagkukuwento.
Ang aktor balitang seryoso na ang relasyon sa magazine publisher na si Sari Yap, habang si Jackielou ay isang source ang nagkuwento na isang gym instructor ang boyfriend.
Kaya tuloy maraming nagri-react.
“Normal na ‘yan sa karamihang Pilipino na ayaw maghiwalay kahit di na magkasundo dahil nakakahiya raw na malaman ng mga kaibigan at mga kamag-anak, isa pa, ayaw na mahati ang kayamanan nila. Maraming ganyan ang sitwasyon dito sa US kahit may divorce kasi nga ang katwiran ay NAKAKAHIYA,” sabi ng isang online reader.
Nahihiya nga ba ang mag-asawa na sabihin na hiwalay na sila?
* * *
Sa sobrang kapayatan ni Kim Chiu, may sariling version ang Good Times Manila (news that will change your life and other stuff). Read ninyo :
Relief goods diverted to Kim Chiu’s house
Volunteers helping out Typhoon Ondoy victims reportedly brought a pack of relief goods to the house of young actress Kim Chiu upon getting reports that she was starving to death.
“It was just a miscommunication,” said Reggie Pastor, a volunteer distributing relief goods to Ondoy victims at the Tatalon Elementary School, which served as an evacuation center in Quezon City.
“We got a report that someone named Kim Chiu was suffering from severe malnutrition after Typhoon Ondoy, so we dispatched a team to her house to bring the relief goods,” Pastor said. “But it turned out that the information was false.”
To the actress’s credit, she refused the relief goods – three cans of sardines, three packs of instant pancit canton, a bottle of mineral water and a two-kilo bag of rice – saying Ondoy victims were in much more dire need of relief than her.
Pastor asked the public to please refrain from spreading false reports through text. Chiu’s on-screen partner Gerald Anderson reportedly rushed to Chiu’s house out of concern, but was relieved to find out that she was okay. Chiu and Anderson were among the stars who participated in ABS-CBN’s relief drive.
* * *
Kaliwa’t kanan ang fund-raising concert para sa mga sinalanta ng mapamerwisyong si Ondoy.
Last Friday night, tatlo ang sabay-sabay. Lahat banda ang kumakanta sa CCP Ground, Araneta Coliseum, and Eastwood. Bago yan, ang daming venue na kung minsan ay kung saan lang.
Pero kahit anong rami ng mga pa-concert para sa mga pininsala ni Ondoy, parang kulang pa rin. Wala pa rin tayong naririnig na nabigyan ng hindi lang pagkain at used clothes.
Mga pagkain pa rin ang pinamimigay nila. Sana rin, mas maabot pa ang maraming biktima lalo na’t ang dami na namang sinalanta ni Pepeng na finally ay lumayas na ng bansa. (SALVE A. ASIS)
- Latest