KaSaMa: International donors maglalaan ng pondo para sa mga bagong human rights projects
MANILA, Philippines - Limang embahada—Australian, British, Netherlands, New Zealand, Spanish—pati na ang European Commission (executive body ng European Union), ang Asia Foundation, at ang United Nations Development Programme (UNDP), ay pinagsama-sama ang kanilang resources para sa mga bagong proyekto para sa karapatang pantao sa Pilipinas.
Tinawag na KaSaMa (Karapatan sa Malikhaing Paraan), nabuo ito mula sa mga bagong ideya—na mas epektibo—na agarang kinakailangan upang maisaayos ng husto ang sitwasyon ng karapatang pantao sa bansa. Datapwat, pagkatapos ng ilang dekada ng tradisyonal na istratehiya at hindi mabilang na conference, training, at advocacy campaigns, napakalayong pangarap pa din para sa mga Pilipino ang karapatang pantao.
Ang KaSaMa ay isang nationwide search para sa mga kakaiba at baong ideya sa pagdepensa at pagpapalawig ng karapatang pantao sa kontexto riyalidad sa Pilipinas. Ang mga lalahok ay inaasahang magsusumite ng project proposals na naglalaman ng kanilang makabagong ideya. Lahat ng pribadong non-profit Filipino organizations kagaya ng NGOs, Pos, student organizations, neighborhood/professional associations (e.g. media, lawyers,teachers’ groups) ay inaanyayahang lumahok. Hindi kasama sa proyekto ang mga ahensiya ng gobyerno, partidong pulitikal, at indibidwal.
Ang main criteria para sa pagpili ng proposal na popondohan ay ang CREATIVITY at VIABILITY. Maaaring isulat ang lahok sa English, Filipino o Cebuano. Kahit handwritten applications ay tinatanggap, ang mahalaga ay ang nilalaman nito.
Ang mga magtatagumpay na proposal ay maaaring makakuha ng hanggang ISANG MILYONG PISO na fuding support. Pormal na ilulunsad sa October 13, 2009 sa Balay Kalinaw, UP Diliman. Tatanggap ng mga proposals ang KaSaMa hanggang November 16, 2009.
Maaaring i-download ang guidelines at forms mula sa www.kasama-ph.com. Para sa mga katanungan, tumawag sa KaSaMa Secretariat sa (0915) 502-0896, (02) 851-1466 / 851-1477 o mag-email sa [email protected].
- Latest