Osang binanatan na naman ang pamilya Revilla
Kung paanong lalabas na hindi kadema-demanda ang taped episode bukas ng Juicy (on TV5, Lunes) ay nakasalalay sa mga kamay ng executive producer nitong si Omar Sortijas (who moonlights as Katrina Halili’s road manager).
Naabutan ng inyong lingkod ang itine-tape na episode, panauhin ng Juicy hosts na sina Alex Gonzaga at IC Mendoza si Rosanna Roces flanked by three reporter-guests. Sa isang bahagi ng panel discussion ay sumentro ang paksa sa pinsalang dulot ng bagyong Ondoy. Hindi siyempre naiwasang mabanggit ang maraming artistang nagmagandang-loob para sa mga biktima.
Isang pulitiko ang sinampolan ni Osang, na bagama’t hindi niya pinangalanan ay nakiusap ito na huwag nang iboto ng mga taga-Cavite. Kung kilala ko nang lubusan si Osang at ang talim ng kanyang dila, hindi matatapos ang programang iyon nang hindi niya tutukuyin kung sino ang kanyang pinatatamaan.
Dahil hindi rin ako komportable sa pinanonood ko, I took a yosi break outside the TV building thinking na baka sa pagpasok kong muli sa studio ay closing spiels na. Simula pa lang pala ’yon ng “pag-iinit” ni Osang sa pagsagot sa mga tanong partikular na ang tungkol sa kanyang pakikitungo sa pamilya Revilla.
Dahil ayoko namang mag-yosi uli, I opted to stay and watch as Osang — so much like a loose cannon — unleashed her wrath sa isyu na para sa akin ay hindi naman bago. Kaugnay pa rin kasi iyon ng hiraman nila sa kanilang apong si Gab pet named Budoy.
Unarmed with a tape recorder or a notebook man lang, tinandaan ko na lang ang ilan sa tiyak na mae-edit out na portion sa ieereng episode na ito bukas lest Juicy incur the ire of the MTRCB at tuluyan na itong matigbak sa ere!
I am not a legal mind, but one does not have to be a lawyer to tell a libelous imputation from a non-libelous one. Maging ang personal na kasing pagkatao ng pamilya Revilla, na wala namang kaugnayan sa isyu, ay kinalkal ni Osang.
Uunahan ko sa aking kolum sa PSN bukas ang pagsasaere ng Juicy, kaya may karugtong po ang kuwentong ito.
* * *
Sa November na ang nakatakdang pagre-reformat ng All Star K!, kung saan goodbye to minus one tapes para sabayan ng mga contestants kundi live band na. Babaguhin din ang mga choices ng mga awitin, kaya expect a totally new look of this Sunday videoke challenge.
Meanwhile, competing for the one million bucks are former champions na sina Pia Guanio, Anjo Yllana, Leandro Baldemor, Harry Santos, Precious Adona, Dana Martinez, at Marvin Cleofas aka Songbirdie.
Magsisilbi namang hired killers ang mga dating nagsipagwagi ng isang milyong piso na sina Marc Tupaz ng Shamrock, Belle of EB Babes, at Sandy Talag.
Kaya K! na ba kayo?
- Latest