^

PSN Showbiz

Pagkain sa show nina Dingdong at Pokwang ipinamigay lang

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Ang bilis talaga ng News & Current Affairs ng GMA 7 dahil naisip agad nila na mag-produce ng TV special tungkol sa mga bagyo, ang Ondoy En­vironmental Special Report na mapapanood sa Sabado.

Nagsanib puwersa sina Vicky Morales at Richard Gutierrez dahil sila ang tatalakay sa mga im­portanteng bagay na dapat isaalang-alang sa tuwing may bagyo sa ating bansa.

Very informative ang special report nina Richard at Vicky tungkol sa kalikasan.

Naalala ko tuloy ang tanong ni Jessica Soho sa Kapuso Mo Jessica Soho noong Sabado.

Ang question ni Jessica, sino ang dapat sisihin sa mga nangyari sa pagdating ni Ondoy sa Pilipinas, ang kalikasan ba o ang mga tao?

Masasagot ang tanong na ‘yan kung panonoorin nating lahat ang Ondoy Environmental Special Report, itsurang alam natin na malaki ang kasalanan ng mga tao kaya nagkakaroon ng climate change at global warming.

Wala namang ganyan noong araw.

Ilang bagyo na ang naranasan ko pero ibang klase talaga ang malakas na buhos ng ulan na dinala ni Ondoy sa Pilipinas. First time na nara­nasan ko na huwag umuwi ng bahay at mag-check in sa hotel dahil malalim ang baha sa lugar na daraanan ko.

Ok na ‘yung hindi ako nakauwi ng bahay dahil mas grabe ang trahedya na naranasan ng iba nating mga kababayan na nanatili pa rin sa mga evacuation center. Hindi sila makabalik sa kanilang mga tahanan dahil lubog pa ito sa baha na hanggang beywang ang lalim.

Hindi biro ang trauma na naranasan nila kaya praning na praning sila kapag malakas ang ulan o ibinabalita na may super typhoon na darating.

* * *

Naikuwento ko sa inyo noong isang araw na na-cancel ang show ng Ultra Mega Supermarket noong Biyernes sa World Trade Center dahil nag-alala ang mga organizer sa pagdating ng bagyong Pepeng.

Sina Dingdong Dantes at Pokwang ang mga performer sa show ng Ultra Mega Supermarket event.

Ipinakita pa sa akin ang malaking venue na pag­da­rausan ng show nang pumunta ako sa World Trade Center noong Biyernes.

Tinawagan ako ni Mang Erning Lim sa telepono noong Lunes. Ikinuwento niya sa akin na hindi lamang ang dinner show noong Biyernes ang na-cancel. Hindi rin natuloy ang event ng Ultra Mega noong Sabado da­hil sa pag-aakala na matutuloy ang pagdaan ni Pepeng sa Metro Manila.

Naghanda ng pagkain para sa dalawang libong bisita ang Ultra Meg. Dahil na-cancel nga ang dinner show, ipinabalot ni Mang Erning ang mga pagkain at ipi­na­dala niya sa isang evacuation center para paki­nabangan ng mga biktima ni Ondoy.

Tinanong ako ni Mang Erning kung papayag pa kaya ang mga artista na ituloy ang show sa ibang araw. Why not? Sure ako na maiintindihan ng mga artista ang sitwasyon dahil hindi naman kagustuhan ng organizer na ma-cancel ‘yon. Naging pabor din sa kanila ang cancellation ng show noong Biyernes dahil mahirap ituloy ang isang show kung may malakas na bagyo na parating ‘no?

* * *

Ngayon ang showing sa mga sinehan ng The Echo, ang unang Hollywood movie ng direktor na si Yam Laranas.

Masuwerte si Yam dahil na-move ng isang linggo ang playdate ng kanyang pelikula. Kung natuloy ang showing noong isang linggo, tiyak na naapektuhan din ng bagyong Ondoy ang The Echo.

Dalawang pelikula ni Yam ang ipalalabas sa buwan ng October, ang The Echo at ang Patient X na pinagbibidahan naman ni Richard Gutierrez, ang isa sa mga artista na bayani ng bagyong Ondoy.

BIYERNES

DAHIL

MANG ERNING

NOONG

ONDOY

RICHARD GUTIERREZ

SABADO

SHOW

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with