^

PSN Showbiz

Kotse ni Sam Milby, tumaob

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Hindi mo maiaalis na magtampo ako kay Sharon Cuneta dahil inilagay ko na ang sarili ko bilang pangalawang ama niya simula nung mamatay si dating Pasay mayor Pablo Cuneta

Pero nung mapunta ng ibang network si Sharon ay dumalang na ang aming pagkikita. Hindi ko na rin siya madalas na maimbitahan. Pinilit ko namang intindihin ang sitwasyon niya. Napakarami niyang shows, hindi lamang sa TV kundi maging sa entablado. Gumawa rin siya ng mga pelikula. Masyado siyang busy. Pero sa mga panahon na ispesyal para sa akin tulad ng Pasko at birthday ko, miss na miss ko ang presence niya. Kung tinatawagan ko naman siya, masyado siyang abala para sagutin ako.

Siyempre, nagtampo ang lolo n’yo. Lalo na nung pati sa telepono ay hindi ko siya makausap, parang dumadaan ako sa butas ng karayom.

Pero nakaraan na ito. Naburang lahat ito nang dumating siya sa birthday presentation ko sa Walang Tulugan kasama ang aking inaanak sa binyag na si KC Concepcion. Paano ba ako hindi maiiyak, eh sinabi niyang itinago niya ng matagal si KC sa kanyang van para hindi ko malaman na narun ito at hindi masira ang sorpresa niya sa akin.

Yun lang, sapat na para masabi kong happiest birthday ko ito. Totoo ang sabi ni Sharon, napakabait ng kanyang anak, kitang-kita ko sa kanyang kilos at pananalita ang katapatan ng ginawa niyang pagdalaw sa akin. 

Salamat anak, you and KC definitely made my day.

* * *

Hoy konting ingat naman Sam Milby. Mabuti naman at kahit medyo grabe ang aksidente mo ay hindi ka napaano. Kahit konting galos wala ka, ipinag-adya ka pa rin ng Panginoon.

Nakita ko sa TV ang inabot ng saksakyan mo, tumagilid ito na parang babaliktad, hindi mo aakalain na walang pinsala ang mga sakay nito. Marami sa ating mga motorista ang napaka-reckless, akala mo hinahabol ni kamatayan kung mag-drive. Hindi bale kung sarili lang nila ang inilalagay sa panganib, maging ang sakay nila at ang sakay ng maaaksidente nila.

* * *

Nag-guest din sa birthday presentation ko sa Walang Tulugan ang paborito kong si Christian Bautista. Ewan ko ba pero, gusting-gusto ko siyang naririnig na kumakanta. Napaka-swabe ng boses niya, parang walang ka-effort effort.

May bagong CD si Christian na hindi ko na kailangang bilhin pa dahil binigyan niya ako ng libreng kopya. Ito ang Romance Revisited na nagtataglay ng 18 awitin ni Jose Mari Chan na inawit naman niya.  

* * *

Magandang birthday gift ko yung ginawang paglihis ng bagyong Pepeng sa Kamaynilaan. Hindi n’yo lang alam pero kung anu-anong seremonyas ang ginawa ko bukod pa sa taimtim na pagdarasal para hindi tayo muling sagasaan ng bagyo. Hindi pa tayo handa, hindi pa tayo nakaka-recover at matatagalan pa bago tayo maka-recover.

Salamat naman at kahapon, birthday ko, ambon-ambon at mahinang pag-ulan na lamang ang naranasan natin.  

CHRISTIAN BAUTISTA

JOSE MARI CHAN

NIYA

PABLO CUNETA

PERO

ROMANCE REVISITED

SAM MILBY

WALANG TULUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with