^

PSN Showbiz

Jodi gusto nang palayain ni Cholo

-

MANILA, Philippines - Ngayong pagpasok ng bagong linggo sa Stairway to Heaven, patuloy ang mga masalimuot na pinagdadaanan nina Cholo (Dingdong Dantes) at Jodi (Rhian Ramos).

Ngayong Lunes, Oct. 5, gusto nang palayain ni Cholo si Jodi. Habang nakatingin si Cholo sa carousel ay hihilingin niyang makita si Jodi sa huling pagkakataon. Pagmulat niya ay makikita nga niya si Jodi na nakasakay sa carousel. Matagal, hanggang ma-realize ni Cholo na totoo ang nakikita niya.

Tuwang-tuwa na lalapitan at yayakapin ni Cholo si Jenna (Rhian din). Buhay daw si Jodi! Windang naman si Jenna!

Bukas, yayakapin ni Cholo si Jenna at sasabihing si Jodi ito. Maririnig ni Eunice (Glaiza de Castro) ang recording ni Cholo nung maliit pa siya. Binugbog naman si Dindo (Soliman Cruz) dahil sa utang. Pupuntahan ni Cholo sa tiyangge si Jenna. Sasabihin niyang siya nga si Jodi Reyes. Ipapakita pa ni Cholo ang picture ni Jodi.

Ito ay sa kabila ng engagement party nina Eunice at Cholo.

Exciting ba? Watch na ng Stairway to Heaven sa GMA 7 Telebabad tuwing alas-siyete ng gabi.

’80s Opm Hits Babalikan

 Ano ang mangyayari sa isang gabi na puno ng 1980s OPM hit songs kasama si Sharon Cuneta? Siguradong isang malaking party! Kaya samahan ang Megastar na bumalik sa makulay na dekada ng 1980s ngayong Linggo (Oct. 4) sa Sharon.

Saksihan ang natatanging production numbers mula sa mga tinitingalang young performers nga­yon tulad nina Yeng Constantino na bibirit ala Donna Cruz sa classic song na Kapag Tumibok ang Puso at ang Dahil May Isang Ikaw star na si Karylle na siyang gagawa ng sariling interpre­tasyon ng isang original ng kanyang ina, ang Mam­bobola ni ZsaZsa Padilla. Dagdag pa ang original na ’80s princess na si Manilyn Reynes bilang first time na guest sa show na magpe-perform ng memorable hit song niyang Sayang na Sayang.

Huwag palampasin ang Sharon ngayong gabi ng alas-nuwebe pagkatapos ng premiere telecast ng Pinoy Big Brother: Double Up sa Kapamilya channel, ABS-CBN.

SOP at Mel & Joey espesyal

Magsasama-sama para sa pagbangon ang lahat ng Kapuso stars ngayong Linggo, Oct. 4, para sa isang special live telecast ng SOP (11:45 a.m.) at Mel & Joey (8 p.m.) kung saan isang special fund-raising activity ang magaganap bilang bahagi ng Operation Bayanihan: Typhoon Ondoy ng GMA 7.

Tinawag na SOP Concert For a-Cause, ang espesyal na pagtatanghal na ito ay pangungunahan ng mga world-class performers at hosts ng SOP na sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Jaya at Janno Gibbs. Ang SOP Concert For a Cause ay naglalayong makalikom ng mas maraming donasyon para mas matulungan ang mga libu-libong pamilya ng typhoon Ondoy.

Kabilang sa mga darating sa SOP Concert For a Cause ay ang mga Kapuso stars na sina Richard Gomez, Richard Gutierrez, Dingdong Dantes, Marian Rivera, Heart Evangelista, Iza Calzado, Rhian Ramos, Sunshine Dizon, Dennis Trillo kasama sina Geoff Eigenmann, Carla Abellana, Mark Herras, Aljur Abrenica, at Kris Bernal.

Makakasama rin ang Master Showman na si German Moreno at ang lahat ng mga talents ng GMA Artist Center kasama ang mga SOP mainstays na sina JayR, Kyla, Jolina, Rufa Mae Quinto, Raymond Gutierrez, La Diva, Julie Ann San Jose, Eva Castillo, Frencheska Farr at Geoff Taylor. Ang ibang Kapuso stars ay makikilahok din upang tumulong sa tuluy-tuloy na Ondoy Kapuso Helpline.

Samantala, live rin ang Mel & Joey ngayong araw na ito. Hosted by the formidable duo nina Mel Tiangco at Joey de Leon, ang espesyal na episode na ito ay may titulong Sa Lupit ni Ondoy, Bangon Pinoy, kung saan tampok ang mga kabayanihan ng mga ilang celebrities, pati ang mga ordinaryong tao na pinilit sagipin ang kanilang kababayan sa gitna ng hagupit ng bagyo.

Tampok din sa Mel & Joey ang Kapuso celebrities na sina Raymart Santiago, Richard Gutierrez, at Chris Tiu na tampok sa special live telecast ng Mel & Joey.

Ang Kapuso Ondoy Helpline ay mananatiling bukas sa nasabing programa para sa patuloy na pagtanggap ng tulong.

ALJUR ABRENICA

ANG KAPUSO ONDOY HELPLINE

CHOLO

CONCERT FOR

DINGDONG DANTES

JODI

KAPUSO

RHIAN RAMOS

RICHARD GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with