Actress gym instructor ang ipinalit sa asawa; Catherine Zeta-Jones ang tingin, Kim Bum bilib sa ganda ni Maja
MANILA, Philippines - Mamimili na sana ng mga bagong gamit sa bahay si Cristine Reyes para sa lilipatan nilang townhouse na binibili niya bago pa man nangyari ang malaking baha dahil sa bagyong si Ondoy last week, pero dahil sa banta ng bagyong si Pepeng last Friday at hanggang kahapon, natakot na si Cristine. Update niya sa kanyang Facebook account, hindi na muna siya rarampa sa mall dahil sa ulan.
Ibig sabihin nito, may trauma pa rin talaga siya sa ulan.
Anyway, bisi-bisihan naman siya sa promo ng Patient X kaya paniguradong nalilimutan niya kahit paano ang nasabing trauma.
* * *
Abot hanggang sa 10th floor ng Eugenio Lopez Building ng ABS-CBN ang tilian ng mga fans ng Korean hearttrob na si Kim Bum na kasalukuyang nasa bansa para gumawa ng commercial kasama si Maja Salvador para sa RC Cola.
Nagulat na lang kasi ang fans ni Kim na nasa bansa pala siya.
Kaya kahit umuulan kahapon, dumagsa ang maraming fans ni Kim sa ABS-CBN.
Halos walang kamalay-malay ang mga masusugid na fans ng top-rating Asianovela Boys Over Flowers na darating sa bansa ang kanilang idolo at isa sa miyembro ng tinaguriang Korean F4 na humarap sa entertainment media kahapon.
Kaya nabulaga ang lahat sa pagdating niya last Wednesday na unang inihayag ng ABS-CBN sa publiko gamit ang official Twitter account ng BOF (http://twitter.com/abscbn_bof) (ang unang pagkakataon na nag-anunsiyo ang isang network ng balita sa pamamagitan ng social networking site).
Excited na excited si Bum na makatrabaho si Maja at hindi nito idini-deny ang admiration niya sa dalaga. Say nga nito, kamukha raw si Maja ng Hollywood actress na si Catherine Zeta-Jones.
At bago pa man dumating sa bansa ay alam na ni Bum na sinalanta ng bagyo ang Pilipinas kaya naman agad itong nagpahayag ng kanyang simpatya.
“I feel very sorry. I hope you’ll have more strength and power during these times. I believe you can get over it,” sabi ni Bum.
Sumikat si Bum sa bansa sa seryeng Boys Over Flowers ng ABS-CBN kung saan ginampanan nito ang playboy ng grupo na si Yi Jeong.
After Boys Over Flowers, malapit nang ipalabas sa Kapamilya network ang kanyang sports drama at first starring role - Dream.
* * *
Grabe nagkakagulo sa distribution ng relief goods. Hindi lang ng Sagip Kapamilya (ABS-CBN) at GMA Kapuso Foundation (GMA 7).
Actually understandable ang kaguluhan kaya lang mas lalong nahihirapan ang mga nagdi-distribute dahil nag-aagawan na. Sana nga, maki-cooperate ang mga binibigyan ng tulong para naman maging systematic at hindi maging mahirap sa lahat.
Anyway, last Friday ay nag-update ang ABS-CBN ng mga nakuha nilang donasyon at hanggang ngayon tumatanggap pa rin sila via
Local :
Banco de Oro, Mother Ignacia Branch
Account name: ABS-CBN Foundation Inc.
Account no.: 5630020111
Routing code for international cash donations: BNORPHMM
BPI
Account Name: ABS-CBN Foundation Inc.
Account No. 3051-11127-75
Routing code for international donations: BOPIPHMM
Overseas: 1-800-527-2820 or abscbnfoundation.org
Update on Donations
Examiner/Bayoran/Center Road
P 62.4 million in cash
P 90.5 million in goods and service
Regional Network Group
(RNG) P 6,405,749.90 (Total to Date)
Breakdown:
Luzon P 506,902.20
Visayas P 3,155,695.90
Mindanao P 2,743,151.80
Families served : 161,124
(Note: average of 5 members per family)
* * *
Speaking of bagyo. Nakakagulat ang kuwento ni Julius Babao sa kanyang Twitter kahapon. “Jorge Cariño : “tinutukan na ng baril ng mga pulis ang ilang tao rito para lang mag-evacuate. Ayaw nilang umalis sa mga bahay nila.”
Nagri-report kasi si Jorge Cariño from Cagayan na tinamaang lugar ng bagyong si Pepeng kahapon.
* * *
Gym instructor pala ang ipinalit ng actress sa asawa niyang may karelasyong iba na rin ngayon.
Yup, confirmed na hiwalay na sila at ngayon nga ay pareho na silang maligaya sa kanilang mga bagong karelasyon.
Matagal na raw ang relasyon ng actress sa nasabing gym instructor hindi nga lang masyadong nai-expose though may ilan siyang kaibigan na alam ang kanyang bagong pag-ibig. (SALVE V. ASIS)
- Latest