Basketball para kay Ondoy
MANILA, Philippines - Ang Pinoy Basketbol, Kakampi N’yo, isang showdown ng mga basketball teams mula sa iba-ibang liga para makalipon ng pondo upang matulungan ang mga komunidad na apektado ng bagyong si Ondoy ay gaganapin bukas, Oct. 5, sa Araneta Coliseum.
Mapapanood naman via satellite sa C/S9 sa kanilang Basketball TV simula alas-sais ng gabi ang Pinoy Basketbol, Kakampi N’yo. Bida ang mga piling basketbolista mula sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at National Collegiate Athletic Association (NCAA) laban sa Liga Pilipinas at sa Philippine Basketball League (PBL) sa unang laro, habang ang ikalawang laro ay magtatagisan ang Philippine Basketball Association (PBA) Powerade Team Pilipinas laban sa SMART Gilas National Team.
Ang Solar Entertainment ay inako ang pagko-cover sa mga nasabing laro ng libre at kasama pa ang ilang on-cam talents na nagboluntaryo ring tumulong para sa benefit basketball game.
Sa mismong laro, tatanggap ng mga donasyon ng sapatos at tsinelas para sa mga biktima ni Ondoy. Para sa mga tiket, tumawag lang sa 911-5555.
- Latest