Sarah naglilihim sa pagtulong
Grabe, ang dami na ring pirated copies ng The Echo, ang kauna-unahang Hollywood film ni Iza Calzado na dinirek ni Yam Laranas.
Nakita kong ang daming kopya ng pirated DVD nito sa Baclaran last Thursday night.
Hindi pa napapalabas sa mga sinehan ang nasabing pelikula na last week lang nagkaroon ng premiere night.
Napanood sa ibang Asian countries ang nasabing pelikula na galing sa pelikulang Sigaw.
Anyway, sayang naman yung movie. Hindi man lang nahintay na ipalabas sa mga sinehan dito sa atin bago na-pirate.
* * *
Nag-text si Mr. Edu Manzano. Hindi pa raw siya officially kasama sa line-up ng Nacionalista Party na pinangungunahan ni presidentiable Manny Villar. Na-mention ko dito last Thursday na sure na siya sa pagtakbong senador sa ilalim ng NP. May isang NP source kasi ang nag-mention tungkol dito. Pero according to Mr. Manzano, once pa lang siyang nakikipag-meeting sa kampo ng NP.
“Balita ko sinulat mong NP na ako. Sorry my dear wala pang decision. Once pa lang kami nag-uusap,” sabi ng dating OMB chairman.
Wait tayo sa formal announcement niya sa kanyang pagpasok sa pulitika.
* * *
Umabot na pala hanggang Disyembre ang concert tour ni Sarah Geronimo sa buong Pilipinas.
Sa October 9 Batangas; Oct 16 Lucena; and Dec 12 General Santos.
Pero bago ang kanyang Gen San concert, excited na ang singer/actress sa kanyang Record Breaker concert sa Araneta Coliseum sa November 7.
Ika-fourth na niya ito sa Araneta.
This time ayon sa isang source, active si Sarah sa participation ng mga productions meetings nila.
Ayon pa sa source, nago-organize na rin ng relief operations ang ilang fans ni Sarah at maging ang singer/actress.
Pero quiet lang daw ang mga ito. Hangga’t maari raw ay ayaw nilang magkuwento tungkol sa gagawin nilang pagtulong sa mga biktima ni Ondoy.
Si Rico Gutierrez ang magdidirek ng Record Breaker at bongga raw ang preparation na ginagawa nila na na-stop ngayong linggo dahil sa pakikiisa sa mga niragasa ni Ondoy.
* * *
Speaking of pagtulong, wala ring tigil si Kumareng Andrea Bautista-Ynares sa paglilibot sa buong Rizal Province dahil ang nasabing probinsiya ang isa sa napuruhan ng bagyong si Ondoy.
Dalawang buwang buntis si Mareng Andeng. “Hindi ko na naiisip yun mare. Ang importante talaga ngayon, makatulong ka,” bungad niya nang makausap ko kahapon sa telepono.
Pero kung super busy na siya, halos hindi na raw natutulog ang asawa niyang si Gov. Junjun Ynares na governador ng Rizal.
“Pati mga staff namin, talagang binaha. Pero nagri-report pa rin sila sa trabaho,” dagdag kuwento ni Mareng Andeng.
Na-mention din ng kapatid ni Senador Bong Revilla na lumusong ang asawa niya at ang kanyang kuya sa kasagsagan ng baha last Sunday para isalba ang isang mag-anak na nasa bubungan ng bahay.
- Latest