^

PSN Showbiz

Pagsagip ni Richard kay Cristine malaking issue sa New York Times

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Grabe na naman ang ulan kahapon. Naka­ka­takot. Parang nagbabanta na naman ang ma­la­king baha.

Tsismis nga na umulan daw ng yelo sa Que­zon City.

Kaya lang, wala akong nakitang yelo sa­man­talang galing ako ng Quezon City kahapon.

Iwan ko lang sa ibang lugar sa QC.

At dahil umulan na naman ng malakas na hin­di rin gaanong nagtagal noong bandang mag­ha­hapon, baha na naman sa maraming lugar kaya ang ending, grabeng traffic kahit wa­lang pasok ang mga eskuwelahan.

Sana nga, iwasan tayo ng super typhoon na si Pepeng.

Ayon sa weather forecast, inaasahang da­ra­ting si Pepeng ng bansa mamayang gabi hang­gang bukas ng umaga.

Pray tayo na ‘wag tumuloy sa ‘Pinas si Pepeng.

Hindi pa nakakabangon sa matinding ha­gupit ni Ondoy ang marami nating kababayan.

Nag-aagawan na ang mga nasa evacuation center ng pagkain dahil kapus na kapos ang mga natatanggap nilang supply mula sa mga nagma­magandang loob na nagdadala ng pagkain at personal nilang pangangailangan.

* * *

Maraming artista ang aktibo sa relief efforts.

Kasama sina Richard Gutierrez, Cristine Re­yes, Anne Curtis, Ruffa Gutierrez, KC Con­cepcion, Pia Guanio, Angel Locsin, at ma­rami pang iba.

Nakita sa Unang Hirit the other day sina Ri­chard Gutierrez and Richard Gomez na tumu­tulong sa paglilinis ng mga putik sa may Cainta.

Sina Anne, Angel, at Ruffa, sumama sa dis­tri­bution ng Sagip Kapamilya ng ABS-CBN.

Actually, nakakabilib sila dahil kinakarir nila ang pagtulong.

Si Anne updated sa latest deve­lopment sa kanyang Twitter account.

Ganundin si KC na personal ang gi­nagawang pagtulong.

Ang World Food Programme kung saan siya (KC) Ambassador Against Hunger ay may Help The Philippines Weather The Storm na.

Kahapon naman, nag-post si Anne ng di­rektiba ni President Gloria Macapagal-Arroyo na hindi puwedeng kumpiskahin at sisingilan ng buwis ng Bureau of Customs ang mga donasyon ng pagkain at kagamitan mula sa ibang bayan/bansa, basta’t naka-assign daw ito sa DSWD.

Pero nakakabilib si Ruffa na pati update ng baha ay nagti-tweet sa kanya.

Sinabi rin niya kahapon na : “I LOVE ANGEL LOCSIN! She’s one of the nicest, most hard working, unaffected celebrities I know. I wish her happiness & more blessings!”

Isa kasi si Angel sa tahimik na tumulong pati sa distribution ng mga relief goods bukod pa sa donasyon niyang P500 thousand.

Appreciated ang effort ng mga artistang ramdam ang malasakit sa mga nasalanta ni Ondoy.

Anyway, basta ang paghandaan natin nga­yon ay si Pepeng.

* * *

Naka-post sa blog ni direk Yam Laranas ang article ng Associated Press na na-publish sa New York Times (dated Sep­tember 28) ang pagsalba ni Richard Gutierrez kay Cristine Reyes sa Pro­vident Village sa Marikina na titled Filipino Actor Saves Real-Life Damsel in Distress.

Pati ang photo ni Cristine sa ibabaw ng bu­bong nila ay na-print sa New York Times.

Hindi kasi ordinaryo ang ginawa ni Richard. Sumugod siya noong walang may lakas ng loob na sumugod sa mataas na baha at dilim ng pa­ligid na ngayon ay ginagawan pa ng intriga ng ibang walang magawa.

Anyway, maganda ang feedback ng trailer ng movie nina Cristine at Richard, Patien X.

Parang sobrang scary at mysterious ang ku­wento ng pelikula ni dinirek ni Yam Laramas.

AMBASSADOR AGAINST HUNGER

ANG WORLD FOOD PROGRAMME

ANGEL LOCSIN

ANNE CURTIS

ASSOCIATED PRESS

NEW YORK TIMES

PEPENG

RICHARD GUTIERREZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with