Sagip Kapamilya: Isang pasasalamat mula sa Kapamilya stars
MANILA, Philippines - Sandaling iniwan ng mga ABS-CBN stars ang kanilang makinang na buhay sa showbiz at lumahok sa isinagawang relief operations ng Sagip Kapamilya bilang paraan na rin ng pasasalamat sa walang sawang suporta ng mga Kapamilya sa kanila. Personal na nag-abot ng relief goods sina Maricar Reyes, Serena Dalrymple, Shaina Magdayao, Zanjoe Marudo, Angel Locsin, at ibang Kapamilya artists sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy sa Payatas, Quezon City. Simula nang buksan ng ABS-CBN ang kanilang linya via telethon noong Linggo ay umabot na sa P76 million in cash and kind ang donasyong kanilang natanggap mula sa iba’t ibang kumpanya, organisasyon, at individual donors mula pa sa loob at labas ng bansa.
Para sa mga nais mag-donate, tumawag lamang sa Sagip Kapamilya hotline sa numerong 163. Sa mga nais naman mag-volunteer sa pag-aayos ng relief goods, makipag-ugnayan sa numerong 415 2272, 4110181 to 83, o 924 4101 locals 7014 to 16.
- Latest