^

PSN Showbiz

Kris kasama nina Kim at Gerald

RATED A - Aster Amoyo -

Umalis na ang bagyong Ondoy pero katakut-takot na pinsala ang iniwan nito. Marami na kaming bahang pinagdaanan pero masasabi kong itong baha na gawa ni Ondoy na yata ang pinakamatindi.

Sanay na kami sa baha sa loob ng Village East Executive Homes sa Cainta, Rizal kung saan kami naninirahan sa loob ng 13 taon pero kakaiba itong nakaraang baha na hindi makakalimutan ng maraming biktima nito.

Naging weekly routine na namin ang pamamalengke at paggu-grocery tuwing Sabado ng umaga. Nung nakaraang Sabado, sa kabila ng malakas na ulan ay isinama ko ang pamangkin kong si Roland Gayo para mamalengke sa Cainta Market. Mula sa palengke ay tumutuloy ako ng Makro Cainta kung saan naman ako naggu-grocery. Pabalik pa lamang kami galing palengke ay nabigla ako sa biglang pagtaas ng tubig along Imelda Avenue (Cainta) kaya nag-decide akong pumarada muna sa may Jollibee-Makro para magpatila ng ulan. Sa halip na huminto ang ulan ay lalo pa itong lumakas. Habang nasa loob kami ng Jollibee ay kitang-kita ko ang pagtaas ng tubig hanggang sa pumasok na ito sa loob ng Jollibee. Nang makita kong abot na sa flooring ng aking van ang tubig ay nagdesisyon akong lumipat ng Makro dahil mataas na lugar ito. Sa kasamaang-palad, maging ang Makro ay hindi rin nakaligtas sa baha kaya nag-desisyon ang management na magsara. Sarado na ang Makro nang maisipan kong ilipat ang sasakyan kaya wala kaming makain o tubig man lamang. Lumagpas ang lunch at dinner ay wala kaming makain ng aking pamangkin. Kinabukasan, linggo, sobrang taas pa rin ng tubig baha at nakakaramdam na kami ng pagkahilo sa sobrang gutom. Dahil marami kami, naisipan naman ng Makro na magbenta ng mga bottled waters at cupcakes sa mga katulad naming stranded. Doon lamang nasayaran ang aming sikmura ng tubig at pagkain.

Dahil karne, chicken, barbecue, at mga gulay ang pinamili namin sa palengke, unti-unti itong nangamoy sa loob ng aming sasakyan kaya minabuti na naming itapon ang mga ito. Pagdating ng 5:00 p.m. nung Sunday, minabuti naming lumusong na rin sa baha. Bumaba na hanggang beywang ang tubig-baha sa may Imelda Avenue pero hanggang dibdib pa sa loob ng Village East. Iniwan ko ang sasakyan sa Makro at lumusong na rin kami sa baha. Marami kaming naglalakad kaya napawi ang aming takot. Suwerte naman at nakasabay din namin ang ibang rescue workers na lumusong din sa baha na may dala-dalang mga lubid. Naglalakad kami against the current kaya napakalakas ng puwersa at hawak kami ng isang rescue worker. May mga naghahanap-buhay sa pamamagitan ng mga improvised life raft at nagtsa-charge sila ng P150 bawat isang tao pero nakisama na kami sa karamihan sa paglalakad. May isang kilometro rin ang layo ng Makro at bahay namin. Along the way, may nakakasalubong kaming matatanda na nahihirapan na ring maglakad kaya nakatulong yung mga rescue workers na nakasabay namin. Nagkalat ang iba’t ibang sasakyan na inanod. Nang makalagpas kami ng baha ay saka lamang kami nakahinga ng maluwag pero pagdating namin ng bahay ay nakapanlulumo ang aming nakita. Literally ay dinaanan ng bagyo ang loob ng aking bahay. Basang-basa ang aking mga gamit, sira-sira ang mga furniture, at appliances, at ang kapal ng putik sa loob at labas ng bahay. Gusto kong maiyak sa nasaksihan ko. Ang masaklap pa, pati rice dispenser at sako ng bigas ay inabot ng tubig kaya wala kaming masaing. Nagtiyaga na lamang kami sa kung anong available na pagkain sa bahay.

Tatlong araw kaming walang tubig at kuryente kaya napakahirap ng aming naging sitwasyon. Pero kung aming ikukumpara ang aming pinagdaanan sa iba nating mga kababayan, masasabi kong masuwerte pa rin kami at ganoon lamang ang nangyari. Ang materyal na bagay ay napapalitan pero hindi ang buhay.

Nakakatuwang isipin na sa gitna ng kalamidad, marami pa rin tayong mga kababayan ang may mabubuting kalooban at handang tumulong hindi tulad ng iba na sinasamantala ang sitwasyon para magnakaw at mambiktima ng kanilang kapwa.

***

Dumating galing Tokyo, Japan ang anak kong si Aila Marie nung linggo ng hapon. Siyempre, excited ang anak ko sa kanyang ten-day school break pero kahit sa kanyang pagdating ay hindi ko nakuhang salubungin siya sa airport dahil na-trap kami ng baha. Pinakiusapan ko na lamang ang aming company driver na si Munding na sunduin siya. From the airport, pinatuloy ko muna siya sa aming Ortigas office para doon siya magpalipas ng gabi. Lunes ng umaga na siya nasundo at sa kanyang pagdating sa bahay ay sumalubong sa kanya ang naging hagupit ng bagyong Ondoy.

***

Sina Kris Bernal at Aljur Abrenica ang latest members ng malaking pamilya ng Bench. Kamakailan lamang ay nai-launch ang dalawa na ginanap sa activity center ng Trinoma. Tuwang-tuwa siyempre sina Kris at Aljur dahil kabilang na sila sa pinakamalaking clothing line ng bansa na pag-aari ni G. Ben Chan.

Sa nakaraang launch ng Bench, ipinakita ni Aljur ang kanyang propesyonalismo na kahit naka-cast ang kanyang kamay at braso ay nakuha pa rin niyang rumampa kasama ang mga professional models ng Bench.

Kabilang na rin sina Kris at Aljur sa dumaraming billboards ng Bench.

Ang tandem nina Kris at Aljur ay isa sa pinaka-successful sa bakuran ng GMA 7 na siyang naging basehan kung bakit sila kinuha ng Bench.

***

Tuwang-tuwa ang mga fans ng tambalang Kim Chiu at Gerald Anderson dahil pagkatapos ng kanilang matagumpay na drama TV series na Tayong Dalawa, may follow-up telenovela ang dalawa kung saan makakasama nila si Kris Aquino. Although in the works pa ang lahat, ibinalita na ito ni Kris sa The Buzz nila nina Boy Abunda at Ruffa Gutierrez. Pero bago magsimula ang bagong teleserye nina Kim at Gerald kasama si Kris, ay may gagawin muna silang bagong movie under Star Cinema.

In fairness kina Kim at Gerald, parehong hit ang first teleserye nila, ang My Girl na Pinoy version ng Koreanovela na may ganoon ding pamagat at itong katatapos pa lamang ng Tayong Dalawa kung saan naman nila nakasama si Jake Cuenca.

***

[email protected] 

ALJUR

AMING

BAHA

KAMI

KAYA

LAMANG

MAKRO

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with