^

PSN Showbiz

Bagong movie ni Sarah hinihintay na

- Veronica R. Samio -

Totoong blockbuster ang dalawang ulit na pagsasama nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz pero sa mas ikauunlad pa ng kanyang career, mas gugustuhin ng Viva na siyang nagma-manage ng career ni Sarah na maipareha siya sa iba.

Nakalinya na si Gerald Anderson na susubukin din ihiwalay kay Kim Chiu para sa dahilang katulad din ng kay Sarah. Pero habang wala pang istorya na napi­pili para sa kanilang pagsasama, baka mau­na na muna ang isang pelikula nila ni Judy Ann Santos.

Kung komedi man ito, na bagay sa kanilang dala­wa o drama ang siyang pinakahihintay ng kani­lang mga tagahanga. At habang naghihintay para dito pa­nay muna ang paghahanda ni Sarah para sa kanyang nalalapit na konsiyerto sa Nob. 7 sa Araneta Coliseum na pinamagatang Record Breaker. May dala­wang album din siyang lalabas, ang isa ay Christmas album at ang ikalawa ay lalabas bago ang kanyang Nov. 7 concert.

Sa ganito kahigpit na sked, may panahon pa ba si Sarah para sa pag-ibig?

***

Sayang at hindi masyadong binibigyan ng pansin ang mga magagandang bagay na ginawa ng ma­rami nating mga artista nung kasagsagan ni Ondoy na marahil ay sa pakiusap na rin ng ating mga stars dahil lahat sila ay nagkakaisa na ang gawang mabuti ay hindi na dapat pang ipag­maka­ingay.

Magagandang mga istorya na puwedeng gawing pelikula at puwede nating pagku­nan ng inspiras­yon, ang kanilang ginawa.

Nakatulong din para pansamantalang maka­limutan ng ating mga kababayan ang kalunus-lunos na pangyayari na biglang dumating sa ating buhay sa pagdating ng tulong na hatid ng Kapamilya at Kapuso stars. Masarap sa damdamin na ang pangtawid buhay mo ay tatanggapin mo mula sa mga artistang dati ay pinapanood mo lamang sa mga pelikula at TV ay siya ring mismong nagbalot ng mga tinatanggap nilang relief goods.

Marami rin sa kanila ang nagbigay ng mga tulong na pinansyal o tumulong sa panghihingi ng mga tulong sa mga isinagawang fund-raising ng kani-kanilang networks.

Sana lamang, makarating sa mga kinauukulan ang mga ibinibigay nilang tulong. Marami ang nagrerklamo na hindi tumatanggap ng tulong at sinasabing yun at yun ding mga tao ang nabibiyayaan. Kaya ngayon, idinadaan na sa barangay ang mga tulong para makarating sa lahat.

Tigilan na sana ang pagnanakaw sa mga bahay ng mga nasalanta. Walang pangalan ang kasamaang idinudulot ng ilan nating kababayan na nagagawa pang pagsamantalahan ang mga biktima ni Ondoy.

Pinapapurihan ko rin yung mga ordinaryong mamamayan na nagbibigay ng tulong sa lahat ng paraang kinakailangan nang walang funfare at ni hindi sila nabibigyan ng mukha o pangalan.

Mabuhay kayong lahat.

***

Sa kabila ng kontrobersiya na kinasangkutan na naman ng Star City nang isang bag ng sumakay sa isa sa kanilang rides ay nahulog at bumara sa makina ng sinasakyan nito kaya hindi ito umandar, patuloy sa kanyang operation ang nasabing theme park na dinadagsa ng mga tao lalo na nung pormal na nagbukas ito nung Sept. 18.

May karagdagan sa Star City, hindi ride kundi ang Laser Blaster, isang laser adventure na kalulugdan ng lahat, bata man o matanda. Non-stop lighting action ito na napapanood lang natin dati sa mga sci- fi movies pero ngayon ay malalaro na ng mga darayo sa Star City. Puwede itong ma-avail for private parties, tawag lang kayo sa 8334483.

ARANETA COLISEUM

GERALD ANDERSON

JOHN LLOYD CRUZ

JUDY ANN SANTOS

KIM CHIU

LASER BLASTER

MARAMI

SHY

STAR CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with