^

PSN Showbiz

JC alagang-alaga

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Ilang araw na rin kaming walang tulog simula nang dumating si Ondoy. Sa laki ng dala niyang pinsala, aabutin ng matagal na panahon bago makaahon ang mga biktima.

Pero sa rami rin naman ng tumutulong at nagbibigay ng tulong mas madadali ang recovery natin. Iwasan na lang ang pananamantala at bigyan ng pagkakataon ang lahat na makatanggap ng tulong.

Hindi pa rin mapapahinga ang marami nating artista sa nga susunod na araw dahil mas dumarami pa ang dumading ng tulong. Habang ang pamahalaan ay nakatuon sa pagliligtas ng mga nasa panganib at paghahanap ng maraming nawawala, ang pagtulong ay nakaatang sa balikat ng kakaunti na hindi sapat ang bilang para magawa ang dapat nilang gawin.

Mabuti na lamang at walang pasok ng isang linggo, marami sa mga volunteers ay mga estudyante na kung hindi barkada ay pamilya ang mga kasama.

***

Walang pulitika yung pagiging attached ko sa konseho ng Quezon City lalo na sa majority floor leader nito na si Kon. Ariel Inton. Bakit hindi ko naman siya mamahalin eh siya ang nagbigay katuparan sa pangarap kong maging City of Stars ang Quezon City. With his help, may araw nang inilaan para maging Quezon City, the City of Stars Day, ang ikalawang Linggo ng Marso..

Maraming ginagawa si Konsehal Inton hindi lamang para sa mga taga Kyusi kundi maging sa mga taga-showbiz.

Meron din siyang ipinasang ordinansa na nagpapalawig pa ng tax holiday ng tatlong taon pa sa lahat ng local films na ipalalabas sa lungsod. Malakiang bagay ito sa lahat ng gumagawa ng pelkula.

***

Sa kabila ng hirap ng buhay, natutuwa ako na patuloy na tinatangkilik ng marami ang Club Mwah na magkatulong na pinatatakbo ng magka-partner na Cris Nicolas at Pocho Mallilin.

Nakakalimang taon na pala ang Club Mwah na nagbaibigay ng mataas na uri ng palabas na hindi lamang maaaring ikumpara sa mga ipinalalabas sa Las Vegas kundi baka nakakahigit pa.

Dahil sa kanilang anibersaryo, binabaan ang entrance fee ng nasabing lugar. Ngayon maari na kayong makapanood ng isang world class entertainment sa mababang halaga lamang,

***

Engrande yung birthday celebration ni Bong Revilla na ginanap kamakailan sa White Place, isang bagong venue na nagagamit para sa mga events ng showbiz. Pag-aari daw ito ng pamilya Villonco, isa sa mga anak ni Armida Siguion-Reyna na dating nagpo-prodyus ng pelikula. Maganda ang lugar.

No less than PGMA was one of Bong’s guest at kahit mahirap puntahan ang lugar, dumating ang pangulo sa kasiyahan ng may kaarawan at ng kanyang pamilya.

Close pala sina Bong at Lani kay PGMA, kaya pala sa partido nito sila tatakbo sa 2010, si Bong bilang senador ulit at si Lani naman para sa Kongreso.

***

Mukhang si JC Tiuseco ang susunod na most important actor ng GMA 7.

Magagandang proyekto ang naibibigay sa kanya at in fairness to him, nagagampanan naman niya ang mga ipinagagawa sa kanya.

ARIEL INTON

ARMIDA SIGUION-REYNA

BONG REVILLA

CITY OF STARS

CITY OF STARS DAY

CLUB MWAH

CRIS NICOLAS

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with