Maja mas gusto ang Cola
MANILA, Philippines - Sa ginanap na shoot ng television commercial ng RC Cola, kung saan ang fresh at bubbly na si Maja Salvador ang lead endorser, ay nagpahayag ng kanyang kasiyahan sa proyekto ang young actress at kapansin-pansin na kahit saan sila magtungo ay makikita ang pagkahilig ng mga tao sa cola na iniendorso nito.
Dagdag dito, talaga palang mas gusto ni Maja ang RC Cola dahil sa mas mura ito at swak sa lasa.
“Ang RC kasi praktikal lang eh. Hindi siya mahal. ’Pag ininom mo siya, solb ka na,” sabi ng aktres na magaling magsayaw. “Isa pa, for just five pesos, okay ka na, kumpleto na araw mo.”
Sabi ni Maja, mas mahal pa nga ang bottled water sa cola. “To be honest, nakatikim na rin ako ng ibang brand — sobrang tapang, sobrang tamis. Itong RC, light lang, tamang tama ang timpla,” sabi ng young actress.
Kahit na ang RC Cola ang pinakabago sa industriya ng softdrinks, mabilis itong naging paborito dahil swak ito sa panlasang Pinoy.
Ayon pa kay Maja, tuwing inaantok siya sa taping, madalas na kanyang hinihingi ay RC Cola at hindi kape upang magkaroon ng energy.
Ilan lamang ang nakakaalam na nadiskubre si Maja ng mga ehekutibo ng ABS-CBN sa kanyang paglabas sa isang nationwide TV show habang nag-reunite sila ng kanyang long-lost father na si Ross Rival. Mula doon, nagtuloy na ang kanyang pagpasok sa mundo ng showbiz. Sa ngayon ay makikita siya sa mga palabas ng ABS-CBN na May Bukas Pa at ASAP. Malapit na ring mapanood ang remake ng Nagsimula sa Puso na pinagbidahan noon ni Ms. Hilda Koronel. Isa rin siya sa cast ng Shake, Rattle & Roll XI.
- Latest