Dahil magkaibigan Sunshine 'di na kailangan ng paliwanag ni Iza
Bagama’t hindi pa maayos ang kanyang schedule sa ngayon, tinanggap pa rin ni Sunshine Dizon ang bagong seryeng pang-hapon ng GMA 7, na nagsimulang umere kahapon, ang Tinik sa Dibdib, dahil bukod sa napakaganda ng istorya nito, role ng Superstar na si Nora Aunor ang ginagampanan niya.
“Isa yun sa pinakamagandang movie ni Nora Aunor, bakit ko naman tatanggihan? Siyempre, gusto kong mapatunayan sa aking sarili na makakaya ko ring gampanan yun, kung hindi man kasing galing ng performance niya, yung hindi naman malayo sa ginawa niya.
“I’m glad to be paired with Marvin (Agustin). He’s a good actor, a good friend, and a good partner. ’Pag siya ang kasama mo, kailangang mag-effort ka dahil magaling siya,” papuri niya sa kanyang kapareha na ginagampanan naman ang role na ginampanan dati ni Phillip Salvador.
When asked kung magkagalit pa rin sila ni Iza Calzado, sagot niya:
“Hindi, intriga lang ’yan, siguro to promote our back-to-back series. Marami namang ways to promote our shows, hindi na kailangang pag-awayin pa kami.
“Nag-uusap naman kami, nagkakasama rin sa SOP, ewan ko kung bakit sinasabi nilang nag-aaway kami. Minsan nga Iza tried to talk to me to explain something about the issue, sabi ko hindi na kailangan. Sa mga magkakaibigan hindi na kailangan ng paliwanagan.”
Inaamin ni Sunshine na masuwerte siya, pagkatapos ng All About Eve ay nakuha siya sa Unang Hirit.
“Napaka-crazy nga ng sked ko. Nagpo-pondo kami sa Tinik. Tapos may SOP pa every Sunday. Araw-araw naman yung Unang Hirit. But I’m not complaining, nagagawa ko namang ma-manage ang time ko. At saka, iba-iba naman ang mga projects ko, hindi pare-pareho kaya lahat may challenge,” dagdag pa ng magaling na aktres.
* * *
Sinabi ni Michelle Madrigal na may magandang role siya sa Tinik sa Dibdib, bilang si Moret, ang anak ni Ara Mina na parang praning.
“Meron kasi siyang naging karanasan na nagbigay ng trauma sa kanya kaya, ayun, naging moret (lukaret in local parlance).
“Napi-pressure nga ako dahil si Dina Bonnevie ang gumanap ng role sa movie version, at nanalo siya ng award para dito,” sabi ni Michelle.
Marami pa ring kaibigang Kapamilya si Michelle. Pinaka-close sila ni Angelica Panganiban. Palagi silang nagti-text at kung may panahon, lumalabas sila. Doesn’t she wish na Kapamilya rin siya?
“Hindi naman, masaya na ako bilang Kapuso. Marami akong projects sa GMA,” pagmamalaki niya at nagsabing loveless siya at the moment.
- Latest