Daria Ramirez walang planongipa-annull ang kasal kay Joey de Leon
Nakakuwentuhan namin sa presscon ng Kaya Kong Abutin ang Langit si Angelika de la Cruz at buong pagmamalaking ipinakita ang photo ng anak na si Casareo o Gabby na anim na buwan na ngayon at napaka-cute.
“Uwing-uwi na nga ako. Sabik na akong makita ang aking anak. Minsan dinadala siya sa taping ng kanyang daddy. Marunong na siyang magsalita ng “mama” at mag-close-open. Sa wedding namin ni Orion sa Tagaytay sa Disyembre ang anak na namin ang magiging ring bearer. By that time walong buwan na siya. Pero naka-stroller siya habang lumalakad ako sa aisle,” kuwento ng first time mommy.
“Pag nagkaanak ka pala Tita priority mo na ang baby mo laluna kapag nagsa-shopping ka,” kuwento pa nito.
Gagampanan ni Angelika ang papel ni Nancy na kapatid ni Clarissa (Iza Calzado) sa Kaya Kong Abutin…
Palabas na ito sa September 28 at ka-back-to-back ng Tinik sa Dibdib.
* * *
Nakakuwentuhan din namin ang beteranang aktres na si Daria Ramirez na kasama naman sa Tinik sa Dibdib bilang si Candida na ina ni Sunshine Dizon.
Tinanong namin ang aktres kung naka-relate ba siya sa Sine Novela laluna na noong nagsasama pa sila ng ex-hubby na si Joey de Leon.
“Hindi naman nananakit si Joey, problema lang ang hilig niya sa babae. Last year talagang kinulit ko siya at nanghingi ako ng birthday gift. Give niya ako ng 10k na pinabigay niya sa aming anak na si Keempee ,” kuwento ng aktres.
Solo siyang namumuhay ngayon at loveless dahil ang anak nitong si Phoebe (21 years old) ay nasa Amerika.
Hindi pa annull ang kasal nito kay Joey.
* * *
PERSONAL : Pasasalamat sa madaliang pag-aasikaso ng mga tauhan ng SSS Caloocan sa benefit ng aming namayapang kapatid – salamat kina Milagros Casuga (manager), Luchie Limccaoco (assistant manager), Tess Marcelino, Vicky Santiago, Mila Lizcano at Girlie Obamos.
- Latest