^

PSN Showbiz

Kampo ni Kristine Hermosa pumiyok

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Sa pagdating ng 2010 election, maraming artista pala ang susubok sa pulitika. Hinahangad ko lamang na sana, kapag nanalo sila ay maibi­gay nila ang dedikasyon na hinihingi ng kanilang posisyon. 

Bagaman at agree ako na hindi nila maiiwan ng lubusan ang kanilang pag-aartista dahil dito sila kukuha ng pang-suporta sa kanilang magiging trabaho sa gobyerno na alam nating lahat na hindi makakasapat, buo sana ang kanilang maging trabaho at maibalik ang pagtitiwala ng mama­mayan sa pamamagitan ng serbisyo.

***

Sabay natapos nung Biyernes ang Kung Aagawin Mo Ang lahat Sa Akin at Ngayon at Kailanman. Sa Lunes panibagong serye na naman ang mapapanood at sigurado ako na mas magaganda ang pa­pa­lit sa mga nagtapos pero bakit pinagaganda ng husto ang mga serye pero hindi ang ending?

Ang suwerte ni JC Tiuseco dahil namatay si Patrick Garcia sa Kung Aagawin..., silang dalawa ni Maxene Magalona ang naging bida. Paghahanda na ba ito sa marami pang pagbibida na gagawin ang nanalong Sole Survivor 1?

Maganda ang mga pelikulang Kaya Kong Abutin Ang Langit na tumatak nun kay Maricel Soriano at ngayon ay pipiliting pantayan ni Iza Calzado.

Kailangan, lalo’t ka-back-to-back niya ang serye naman na magtatampok kay Sunshine Dizon na sinasabing kasamaan niya ng loob ngayon. Hindi niya gugustuhing matabunan ni Sunshine na role naman na ginampanan ni Nora Aunor sa pelikula.

***

May reaksiyon yung sinulat kong dalawang pasaway sa ABS-CBN. May nagtanggol kay Kristine Hermosa at nagsabing hindi niya malaman kung sino ang nagkakalat ng mga maling balita dahil ang alam niya, walang problemang ibinibigay ang magandang aktres sa network at sa mga taong bumubuo ng seryeng Dahil May Isang Ikaw na kung saan ay nagbibigay ng magandang performance si Kristine.

“Yung pagbabakasyon niya ng isang linggo ay matagal nang pinag­kasunduan dahil nga birthday niya. Wala namang naapektuhan dahil na-adjust ang sked niya.

“Unfair na pagbintangan ng katarayan si Kristine. Hindi ko sinasabing hindi siya mataray pero sa Dahil May Isang Ikaw, wala akong nakitang ganitong pag-uugali sa kanya,” sabi ng kausap ko.

Kay Cristine Reyes ba walang magtatanggol?

vuukle comment

DAHIL

DAHIL MAY ISANG IKAW

IZA CALZADO

KAY CRISTINE REYES

KAYA KONG ABUTIN ANG LANGIT

KRISTINE

KRISTINE HERMOSA

KUNG AAGAWIN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with