Miriam Quiambao annulled na
Ikinagulat ng press ang pag-i-stay ng matagal ni Wendell Ramos sa presscon ng Kaya Kong Abutin Ang Langit dahil sa mga nakaraang presscon ng mga nauna niyang shows, agad siyang nawawala after the cast presentation.
Akala namin, dahil dumating sa presscon ang manager niyang si Wyngard Tracy, kaya nagtagal sa presscon ang actor. Ang presence ng manager plus kinagalitan daw ito ng staff nang magsisimulang series sa Monday, September 28, ang rason. Ni-request daw ng staff na hanggang may press na gustong kumausap sa kanya ay ‘wag siyang aalis, kaya stay put si Wendell.
Aywan kung seryoso o nagbibiro si Wendell sa sagot na kaya agad siyang umaalis sa presscon dahil walang itinatanong sa kanya ang press kundi tungkol sa personal niyang buhay na agad ipinag-react ng press.
Anyway, sana maging simula ang presscon ng Kaya Kong Abutin Ang Langit nang matagal na pananatili ni Wendell sa mga susunod niyang presscons dahil balita naming may gagawin siyang pelikula sa GMA Films.
* * *
Masayang humarap sa press na dumalo sa wrap up party/presscon ng Patient X si Miriam Quiambao dahil divorced na siya sa kanyang ex-husband at single na uli ang status niya.
Ang gaan-gaan daw nang pakiramdam niya plus, hindi na siya mapapagod sa pag-a-attend ng hearing sa Hongkong pa.
“Annulment na lang ng wedding namin dito ang aasikasuhin ko at wala na akong problema. More than one year din ang hearing, nakakapagod. Ngayon, puwede ko nang harapin ng husto ang career ko,” sabi ni Miriam.
Nag-uusap pa raw sila ng ex-husband niya at binati niya ito noong birthday nito, pero hanggang ‘dun na lang ‘yun at wala nang balikang mangyayari pa. Ang maganda kay Miriam, hindi siya takot mag-asawa uli.
“Hindi ako naging bitter about love, but I must admit, may trauma ng konti dahil ang feeling ko, may mga dreams akong hindi natupad. Nagsisimula uli ako at magandang busy ako sa acting career ko. Ha-ha-ha!”
After Kimmy Dora, ginawa ni Miriam ang Patient X bilang nurse na nagbantay kay Cristine Reyes sa hospital. First horror movie niya ito, na-stress siya sa mga makatotohanang eksena at nagka-nightmare pa.
* * *
Maghapon yatang magkasama sina Jef Gatmaitan at Marvin Kieffer ng Survivor Phillipines : Palau, last Thursday. Una naming silang nakitang sabay na lumabas ng elevator ng GMA Network Building, at nakita rin namin sila sa harap ng Studio 5 na may mga kausap.
Nang usisain kung on na sila, “no comment” ang sagot ni Marvin at nag-smile naman ni Jef. Kinumpirma rin ni Jef na break na sila ni Nyoy Volante, pero nang usisain namin kung after Survivor Philippines ang break-up nila, heto ang sagot.
“I’d rather not comment about the break-up. Mag-i-issue si Nyoy ng official statement, hintayin n’yo na lang.”
Obvious na natuloy ang relasyon nina Jef at Marvin na nagsimula sa Palau at pareho silang natuwa nang sabihin naming they look good together. Naka-shorts si Jeff na pinagtinginan ng tao.
Abangan n’yo pala ang mga guestings nila sa shows ng GMA 7 kabilang ang Hole in the Wall.
* * *
Talent na ng Viva Artist Agency si Biboy Ramirez pagkatapos niyang pumirma ng three-year contract sa talent agency ni Veronique del Rosario-Corpus. Nagkataon lang ang paglipat ni Biboy sa VAA at masaya siya sa kanyang desisyon dahil pasisiglahin uli ang career niya.
Kasama siya sa remake ng Working Girls to be directed daw by Joey Reyes at si Jennylyn Mercado ang makaka-pareha niya. Ire-repackage rin siya at ipinasok siya sa Gold’s Gym para gumanda ang katawan. Hindi tiyak si Biboy kung babalik siya sa GMA 7, at okey din sa kanya kung sa ABS-CBN siya ilagay.
Last year pa nag-break sina Biboy at Jackie Rice, pero ang tungkol pa rin kay Jackie ang itinatanong sa kanya. Hindi raw totoong nag-live-in sila at lalong ‘di totoong nagbuntis ang actress.
May closure ang relasyon nila, pero hindi na sila nag-uusap at hindi na rin nagkikita.
- Latest