^

PSN Showbiz

Reaction ni KC sa mga nali-link kay Piolo hinihintay na!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Bongga, winner pala sa takilya ang Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie na nagsi­mulang ipalabas sa mga sinehan noong Miyerkules.

Kumita raw ito ng P10 million sa opening day at hanggang ngayon ay pinipilahan sa takilya.

Ibig sabihin lang nito, naghahanap ang audience ng something na nakakatawa.

Malamang nagsawa na ang tao sa sobrang pulitika na naririnig, napapanood at nababasa araw-araw.

Parang gusto muna nilang mamahinga sa kakainis na mga pulitiko na ngayon pa lang ay nanga­ngampanya na.

Nakakasuka tuloy ang dating nila.

Kaya nag-benefit ang Yaya and Angelina : The Spoiled Brat Movie na character nina Michael V. (as loser Yaya) and Ogie Alcasid (uncontrollable Angelina).

Actually, kahit naman nasa Bubble Gang sila, marami nang naaaliw sa tambalan nila. Hindi kasi corny.

Anyway, showing pa rin ang nasabing pelikula ng GMA Films and APT Entertainment.

* * *

Naghahanap ng aspiring actresses, may edad na 20 hanggang 25 years old ang Film Development Coun­cil of the Philippines (FDCP) katulong ang Cul­tural Center of the Philippines (CCP) para sa gagawing full-lenght movie musical - EMIR - na ididirek ni Chito Roño.

Siyempre kung gusto mong maging aktres, dapat may taglay kang ganda at marunong sumayaw at kumanta as in excellent singing voice, graceful dancing skills and acting capabilities.

Kung interesado, mag-prepare lang ng current biodata and headshot, 3X5 picture and Tagalog and English song in case na pakantahin ang mag-audition.

Gaganapin ang audition sa September 29, 2009, Tues­day, 1:00 pm, at the Silangan Hall of the Cultural Center of the Philippines (CCP)

For more details, kindly contact the FDCP Ms. April Espinosa or Ms. Che Tepase at 633-2204.

* * *

Maraming nasa-sad na hanggang ngayon ay wala pa ring anak si Agot Isidro. Lalo na nang makita ng ilang press na karay-karay ni Christine Jacob-Sandejas ang bunso nitong anak na pitong buwan pa lang ngayon.

Sister-in-law ni Christine si Agot. Magkapatid ang asawa nila. Pero si Christine at ang asawa niya, nakakalimang anak na, si Agot, sadly hindi pa rin nakakabuo hanggang ngayon.

Anyway, napag-usapan si Christine dahil balik-TV siya kasama si Suzi Entrata na meron namang tatlong anak via Full Time Moms na mapapanood sa Q 11 simula sa October 21, Lunes hanggang Biyernes, 7:30 p.m. 

Napakaraming magagandang bagay ang kasama sa pagiging isang mommy, ngunit hindi rin naman maikakaila na marami ring challenges ang kinakaharap dito. Kaya naman importante para sa mga mommy na siguraduhing palagi nilang naibibigay ang kanilang “best” pag­dating sa kani-kanilang pamilya.

Hosted by real-life-moms, mag­si­sil­bing guide at partner ng mga view­ers ang Full Time Moms tungkol sa parenting, husband and wife rela­tionship, personal crises, beauty, at pati na entertainment.

Para kay Christine, importante na magkaroon ng isang guide tungkol sa motherhood — “It’s just nice to know that you are not alone dahil hindi madaling magpalaki ng bata. Kaya nga maraming books on parenting which are based on the similar experiences most moms share in rearing a child.”

Dagdag pa ni Suzi, “Ma-i-inspire ang mga mommies sa experiences ng aming guests. Hopefully, sana ma-encourage sila to keep on trying to do a good job everyday sa mga stories na maririnig nila.”

* * *

Nangangampanya ang officemate naming si Chris dela Cruz para sa kanyang anak na si Kris Angelica na nakapasok sa finals ng Birit Baby ng Eat Bulaga na magkakaroon ng grand finals ngayong Sabado.

Para bumuto: Type BOTO space number of finalist/your name your address send to 367 for Smart and 2344 for Sun and Globe.

* * *

Ngayong gabi na pinakahihintay na Rockatropa na gaganapin sa SM Mall of Asia concert grounds hosted by Cristine Hermosa and Valerie Concepcion kung saan tutugtog ang malalaking banda tulad ng Bam­boo, Parokya ni Edgar, Kamikazee, Sandwich and Itchywors.

Si Camille Villar, anak ni Sen. Manny Villar ang punong-abala sa na­sa­­bing event.

Maraming bilib kay Camille na kuntento na sa pagtulong sa ama. Kahit puwede siyang mag-showbiz, dedma siya sa mga offer.

* * *

Kasalukuyan palang nasa Singapore si KC Concepcion - sa 2009 Formula 1 Grand Prix. Part ng pagiging ambas­sador Against Hunger ng United Nations World Program ang pag-apir ni KC sa nasabing event.

Anyway, start na sa Monday ang airing ng Lovers in Paris.

Maraming kabado sa nasabing serye dahil hin­di tinatantanan ng kuwento si Piolo Pascual na nali-link kina Zanjoe Marrudo at Mark Bautista.

Imbes daw kasi na sila (KC and Piolo) ang ma-link bakit sa kapwa men daw ito nail-link.

But anyway, mukhang exciting ang kuwento ng Lovers In Paris.

Noong inere ng ABS-CBN ang orihinal na Koreanovelang Lovers in Paris, namangha ang mga taga-subaybay nito sa kakaibang kuwento ng pag-ibig na naibahagi ng serye.

AGAINST HUNGER

AGOT

FULL TIME MOMS

KAYA

MARAMING

SHY

SPOILED BRAT MOVIE

YAYA AND ANGELINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with