Indie films lumalaki na ang budget
Hindi lamang ang kalidad ng mga ginagawa ng mga independent filmmakers ngayon ang tumataas, lumalaki na rin ang gastos na ginagamit para sa kanilang mga pelikula. Sa rami ng mga ginagawang indie films ngayon, kung hindi mo nga naman gagastusan, mapapag-iwanan ito ng mga kalaban. At baka hindi mo rin maisali sa mga international competition. Bagaman at maraming bagong pangalan ang lumalabas at nadidiskubre, lalo na sa mga direktor, makakaasa pa rin ng mahuhusay na produkto kapag isang mahusay na direktor ang nag-direk at mahuhusay na artista ang dinidirek niya.
Iba na rin ang mga tema ng indie films, hindi formula, kaya napaglalaruan, nagiging iba sa mga karaniwang tema ng mga mainstream movies.
Katulad ng Sabungero na ang nagprodyus ay isang sabungero. First time ito na tinalakay ang sabong sa isang pelikulang lokal. Meron nang lumabas na pelikula tungkol sa sabong at hindi pa lokal, meron daw kopya nito ang halos lahat ng sabungero na humigit kumulang ay anim na milyon na ang nakarehistro sa Pilipinas. Pero hindi raw ito maganda kaya naga-decide ito na gumawa ng isang local version na kinunan pa sa mga totoo at malalaking sabong derbies tulad ng katatapos na World Slasher Cup Invitational 8 Cup Derby na ginanap sa Araneta Coliseum.
Bago at kabataan pa ang dalawang nag-direk ng pelikula pero bago sila nag-shooting ay sumailalim muna sila sa masusi at malawak na research tungkol sa sport, sugal o larong sabong. Sila ay sina Rozie Delgado, isang nagmula rin sa angkan na kinikilala sa showbiz, ang mga Laurel at Miguel Kaimo, na matunog din ang pangalan.
* * *
Por Dyos por santo, huwag nang intrigahin pa sina Iza Calzado at Sunshine Dizon. Sinasabi na nga nilang walang away sa kanilang pagitan, bakit ipinipilit pa natin? Masyado silang propesyonal para aminin ito, kung meron man, kaya hayaan na natin sila, Matagal din silang naging magkasama, anumang deperensiysa ay kaya nilang dalhin, Nangyayari naman iito sa maraming artista, lalo’t nagkakasama sila sa mga proyekto.
* * *
Nalulungkot naman ako dahil kabubukas pa lamang ng Star City bilang hudyat ng maagang pagdiriwang ng kapaskuhan dito sa ating bansa, heto at nagkaroon na naman ng kontrobersiya, dahil isang bag ang nahulog mula sa isang customer at bumara ito sa makina na nagpapaandar ng isang sasakyang atraksyon sa nasabing theme park.
Ayun, natigil muli ang operasyon nito. Pero balitang binuksan na uli.
Isang plus factor din ng Star City ang magagandang palabas ng Ballet Manila na pinamumunuan ni Liza Macuja. Ito lamang ang nag-iisang theme park na may ganitong palabas di ba Tito Ed de Leon?
* * *
Kung hindi pa dahil sa Cinemanila International Film Festival na magaganap dito sa ating bansa sa Oktubre 15-25 sa Market! Market!, Taguig City baka hindi pa natin mapanood ang dalawang pelikulang lokal na ginawa ng premyadong direktor na nanalo sa Cannes Film Festival sa France.
Ito ang Lola ni Brillante Mendoza na ipalalabas sa red carpet opening habang ang Himpapawid naman ni Raymond Red ang itatanghal sa pagtatapos nito.
Naging entry ang Lola sa 66th Venice Film Festival habang ang Himpapawid ay kasama sa 2009 Tokyo International Film Festival.
Nanalo si Mendoza bilang direktor para sa Kinatay sa nakaraang Cannes Filmfest habang ang ilan sa mga giinawang pelikula ni Red tulad ng Bayani (1992), Sakay (1993) at Kamada (1997) ay pinaranagaln din sa buong mundo.
Mga 100 films ang ipalalabas sa Cinemanila.
- Latest