Hindi pa rin ipinakikita ang anak kay Patrick, Jennylyn nanindigan
Hindi pa nakikita ng personal ni Patrick Garcia ang anak nila ni Jennylyn Mercado. Hindi pa nagbabago ang desisyon ni Jennylyn na huwag ipakita kay Patrick si Alex Jazz.
Nakita lang ni Patrick ang bagets sa TV at siyempre, nakaramdam siya ng lukso ng dugo.
Hoping si Patrick na darating ang araw na ipapakilala sa kanya ni Jennylyn ang kanilang anak.
* * *
Magandang sign para sa local movie industry ang bonggang box-office earnings ng mga Tagalog movie gaya ng Yaya & Angelina at In My Life. Idagdag pa ang Kimmy Dora.
Next week, showing naman sa mga sinehan ang launching movie nina Aljur Abrenica at Kris Bernal, ang Nandito Ako, Nagmamahal Sa’Yo.
Tangkilikin din sana ng manonood ang pelikula nina Aljur at Kris para lalong ganahan si Mother Lily sa pagpo-produce ng mga pelikula dahil kapag marami ang mga movie project, maraming tao ang magkakaroon ng trabaho.
* * *
Nabuhayan ng loob ang mga contestant ng Celebrity Duets dahil nag-goodbye ang isang contender na hindi makayanan ang pressure ng contest.
Nabuhayan sila ng loob dahil nabawasan ang kanilang mahigpit na kalaban sa mga text vote.
Pero kahit nagpaalam na ang kontrobersyal na contestant, tuloy ang tanggalan portion. Isa sa kanila ang aalis, sa ayaw at sa gusto nila.
* * *
Hinihintay na lang ni Miriam Quiambao ang resulta ng divorce case nila ng kanyang ex-husband na Italian.
Nagpabalik-balik si Miriam sa Hong Kong dahil sa hearing ng divorce case nila ni Claudio Rondinelli.
Mukhang naka-move on na si Miriam dahil nagkukuwento na siya tungkol sa nakaraan nila ng kanyang ex-dyowa.
Hindi siya nailang na magsalita sa mga reporter na nakipagtsikahan sa kanya sa cast party ng Patient X.
Naka-focus ngayon ang atensiyon ni Miriam sa kanyang showbiz career. Sa sobrang focus niya, hindi napansin ni Miriam na nawawala na pala ang kanyang digital camera sa lugar na pinagdausan ng Patient X party.
Nandoon ka, Mama Salve, habang tuliro si Miriam sa paghahanap sa na-Luz Valdez na digital camera. Balitaan mo nga ako kung nakita ang nawalang camera ni Miriam.
* * *
Dahil Sabado ngayon, iimbitahan ko kayo na panoorin ang Startalk mamayang hapon dahil ang mga hottest showbiz news ang inyong mapapanood.
Hindi ko sasabihin ang mga big news ng Startalk para abangan ninyo ang aming show na malapit nang mag-celebrate ng 14th anniversary dahil October 1,
1995 nang unang umere sa TV ang programa namin. Ganyan kabilis ang panahon.
- Latest