Maricel Laxa naglibot sa mall para sa Mommy Talk
MANILA, Philippines - Isang matagumpay na pagtatapos ng pag-iikot sa mall ng Mommy Talk Live ang ginawa sa SM Centerpoint, Sta. Mesa kamakailan na nagtampok sa mommy extraordinaire at host na si Maricel Laxa-Pangilinan.
Ang Mommy Talk Live Mall Tour ay dinaluhan ng mga kilalang bisita na nagbigay ng mga payo sa loob ng tatlong oras na interactive forum. Nakilahok din ang mall audience sa pagbibigay ng mga tanong sa mga naging bisita na sina Christine Bersola-Babao, Amy Perez, Melissa de Leon, Kata Inocencio, Candy Pangilinan, Anthony Pangilinan, at ang mga experts na Dr. Donna Simpao, Felichi Buizon, at Faye Tañada.
Mula Mayo hanggang Setyembre ay sampung SM malls ang inikot ng Mommy Talk Live at nakapaghatid ng impormasyon at aliw sa humigit-kumulang na 500 katao.
- Latest