Raymond sasalang sa Power of 10
MANILA, Philippines - Ang TV host at Fashion Magazine Editor na si Raymond Gutierrez ang sasalang sa laban ng sampung milyong piso. Kayanin kaya ng powers niya ang mga nakaka-tense na tanong sa aming ginawang survey?
Sumunod na nagharap sa elimination round ay ang dalawang Kapuso hotties na sina 1st Pinoy Sole Survivor, JC Tiuseco at Brazilian Japanese Model, Akihiro Sato. Hindi lang sa papogian at paseksihan nagtapatan ang dalawa, pati sa pagsagot ng mga tanong ay nag-iringan din sila.
Isa na kaya sa mga celebrity power players na ito ang mag-uuwi ng sampung milyong piso?
Find out this Sunday sa Power of 10 after Kap’s Amazing Stories.
- Latest