^

PSN Showbiz

Robin mag-aaral ng martial arts sa Iran

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Ang galing-galing nina Yaya (Michael V.) at Angelina (Ogie Alcasid) sa Pinoy Henyo noong Lunes. Nagetsing nila ang jackpot prize dahil nahulaan ni Angelina ang mga tumpak na kasagutan.

Halatang-halata na nanonood sila ng Pinoy Henyo. Hindi katulad ko noong sumali kami ni Joey de Leon. Nahirapan ako na hulaan ang mga correct answers kaya gigil na gigil si Papa Joey sa akin.

Ang Pinoy Henyo ang isa sa mga sinusubaybayan na segment sa Eat Bulaga. Hindi puwedeng gayahin ng ibang noontime show ang Pinoy Henyo dahil exclusive property na ito ng Eat Bulaga.

* * *

Congrats sa Ded na si Lolo dahil ito ang napili ng Film Academy of the Philippines (FAP) na ipadala sa best foreign film category ng Oscar Awards.

Harinawang mapansin sa Oscars ang pelikula ng APT Entertainment na humakot ng datung sa takilya nang ipalabas ito sa mga sinehan.

Surprise hit ang Ded na si Lolo. Tuwang-tuwa ang produ, direktor, at mga artista ng pelikula dahil pinilahan ito sa takilya.

Nagkaroon kaagad ng pirated copies ang Ded na si Lolo dahil mabilis na kumalat ang balita na highly-entertaining ang pelikula.

I’m sure, tuwang-tuwa si Roderick Paulate sa good news tungkol sa kanilang pelikula. Matagal na hindi gumanap na bading si Roderick sa big screen at naging mainit ang pagtanggap ng mga tao sa karakter niya sa Ded na si Lolo.

Si Soxie Topacio ang direktor ng pelikula. Dahil sa tagumpay ng pelikula niya, binigyan agad siya ng APT Entertainment ng bagong project, ang Forty Days na tungkol naman sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa ika-apatnapung araw ng kamatayan ng mga mahal nila sa buhay.

Ang Ded na si Lolo ang lucky charm ni Soxie dahil napansin ng TV 5 ang husay niya sa comedy films. Siya ang kinuha ng TV 5 para maging direktor ng sitcom na Moomoo and Me.

* * *

Totoo pala ang balita na nagpunta sa Middle East si Robin Padilla. Maraming Pilipino ang nakakita sa kanya sa Dubai, pati na sa grupo ni Sen. Jinggoy Estrada na nagpunta roon para makauwi ang mga OFWs na tinulungan niya.

Pupunta si Robin sa Iran para mag-aral ng martial arts. Ibang klase sigurong martial arts ang pag-aaralan ni Robin kaya dumayo pa siya sa Iran.

Tamang-tama naman ang pagbalik ni Jinggoy mula sa Dubai dahil naabutan niya ang pangalawang privilege speech kahapon ni Sen. Ping Lacson laban kay former Pres. Joseph Estrada.

Knowing Jinggoy, siya uli ang sasagot sa mga pagtampalasan ni Papa Ping kay Papa Erap sa kanyang susunod na privilege speech. Pagtampalasan daw o!

                                                           

ANG DED

ANG PINOY HENYO

DAHIL

DED

DUBAI

EAT BULAGA

LOLO

PINOY HENYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with