'Di lang elevator, bahay ni Imelda Papin sa Amerika may tennis court
Naringgan ko ng reklamo ang isang nagpo-produce ng isang indie film. Wala raw malasakit sa kanya ang nakuha niyang line producer. Wala itong pakialam sa kung magkano man ang pinag-usapan nilang budget.
Problema rin niya ang nakuhang direktor dahil sa halip na magtrabaho na ayon sa budget na kaya niya, kung anu-ano ang ginagawa nito at hinihingi na nagpapataas ng husto sa gastos ng pelikula.
Ang gusto lamang ng produ ay makatulong sa industriya ng pelikula at makapagbigay ng trabaho kahit sa iilan lamang. At least nga naman liliit ang bilang ng walang trabaho.
Tsk. Tsk. Tsk. Huwag naman tayong ganyan. Kung ganyang may sumusugal sa pelikula, suportahan naman natin.
Bigyan natin ng encouragement, huwag nating dalain.
Iba ang independent, maliit ang market kaya nga halos TY ang bayad sa mga artista at produksiyon. Tapos ’di pa natin tutulungan, paano ba tayo aasenso?
* * *
Ngayon ko lang nalaman na nakatira pala si Imelda Papin sa dating bahay ni Clark Gable sa US. Si Clark kung hindi ninyo alam ay dating sikat na Hollywood actor.
Napakalaki raw ng bahay, may sariling swimming pool at tennis court at may sarili pang elevator.
Aba, bigatin na talaga ang ating kababayan na nang huli kong punta sa Las Vegas ay nakakita pa ako ng malalaking billboards niya sa kahabaan ng highway na nag-aanunsiyo ng kanyang two-night concert sa Orleans Hotel & Casino kasama ang international star na si Melissa Manchester. $10,000 daw ang halaga ng bawat billboard niya.
Mas lalo akong naniwala na mayaman na nga siya nang alukin niya akong tumira ng libre sa Orleans at bibigyan pa niya ako ng pocket money. Ay, mayaman nga!
In fairness to Imelda, talagang mabait ito at grasyosa kaya patuloy ang suwerte. Nagtatag nga ito ng isang samahan ng mga Fil-Am artists para mapangalagaan ang karapatan nila dun. Ibang klase ka talaga, Mel!
- Latest