^

PSN Showbiz

Rhian at JC nagkalamigan na!

- Veronica R. Samio -

Hindi maipaliwanag ni Rhian Ramos kung ba­kit hindi naging sila ni JC de Vera. Maski siya naramdaman na andun na sila, konti na lamang at sila na. Tapos, biglang wala na!

“Hindi kami umabot sa level na siya at ako la­mang, yung ex­clusive kami sa isa’t isa. Siguro dahil pareho pa kaming bata, hin­di pa handa sa isang seryosong relasyon. Also because we were no longer working together, ayun we drifted apart,” paliwanag niya.

Kasama si Rhian sa Ang Panday ni Sen. Bong Revilla. Isa siya sa dalawang leading ladies ni Bong. Ang isa pa ay si Iza Cal­za­do. Pero unlike Iza, wala siyang kissing scene sa bidang lala­ki. Ito ang hindi niya maipaliwanag. Ibig sabihin ba she has the lesser role?

“Hindi naman siguro. Baka lang hindi talaga kailangan sa film. I don’t know. I have been treated well by him and all the production people,” dagdag pa ng aktres na sinasabing siyang susunod na pinakaimportanteng aktres sa TV at film.

Eh paano, hindi lamang maganda si Rhian, magaling pang umarte, at walang attitude problem. Wala pa!

* * *

Patuloy naman si Robert “Buboy” Villar sa pagiging sidekick ng mga bida. Kasama siya sa Ang Panday, bilang sidekick naman ni Sen. Bong. Nag-sidekick na siya kay Marian Rivera sa Dyesebel at sa kasalukuyan, magkasama sila sa Darna. Naging sidekick din siya ni Richard Gutierrez sa Zorro.

Enjoy si Buboy sa kanyang mga roles. Feeling niya dahil bida yung mga kasama niya, bida na rin siya. Maraming projects sa pagiging sidekick, yun nga lang, kailangang isakripisyo niya ang kanyang studies. Pero hindi siya tumigil ng pag-aaral, Grade 4 na siya, yun nga lang nasa home study program siya.

He would have loved to go to a regular school pero wala siyang choice, kung hindi home study, kailangan niyang tumigil. Ang mahalaga’y maka­tapos siya at magawa ang trabaho niya habang patuloy ang pagdating ng mga projects. Baka kapag tumanda siya, mawala ang mga alok. Marami pa siyang pangarap. Nag­simula nang matupad ito, may sarili ng bahay ang family niya.

Ang maganda sa 10 taong gulang na bata ay mayroon siyang fallback. Kung hindi na dumarating ang mga offers, pwede pa rin siyang kumanta. Hindi naman siya naging grand cham­pion ng Little Big Star for nothing.

* * *

Showbiz royalty pala ang bumu­buo ng cast ng pinaka-bagong afternoon drama ng ABS-CBN, ang Nagsimula sa Puso na magsisimula na sa Sept. 28, dahil pinangunguna­han ito ng Dance Floor Princess na si Maja Salvador, Prince of Afternoon Drama na si Jason Abalos, at ang Prince of Indie Films na si Coco Martin.

Ang Nagsimula sa Puso ay mula sa orihinal na hit movie na idinirihe ni Mel Chionglo noong 1990 na ginampanan nina Jay Ilagan, Hilda Koronel, Richard Gomez, at Armida Siguion-Reyna.

* * *

Star-studded naman ang premiere night ng Yaya & Angelina: The Spoiled Brat Movie na ginanap sa Cinema 10 ng Megamall noong Linggo. Nag-enjoy sa paghihintay ang maraming tao na gustong makita sina Ogie Alcasid at Michael V. at ang iba pang cast ng movie dahil ang daming stars na dumating para suportahan ang pelikula ng GMA Films at APT Entertainment tulad nina Dingdong Avanzado, Jessa Zaragoza at ang madaldal na anim na taon nilang anak na si Jaeda; si Vina Morales na ang pa­yat payat, parang hindi nanganak; ang magka-loveteam na Aljur Abrenica at Kris Bernal; German Moreno; es­corted naman si Viktoria ng gwapong crush ni Yaya sa Hole in the Wall; at si Aiko Melendez kasama ang kanyang boyfriend na vice mayor ng Bulacan.

Nakakatawa ang pelikula at very informative. Dito malalaman ang tunay na pangalan ni Yaya at kung bakit spoiled brat si Angelina. Mas meaty at mas may substance ang role ni Yaya kesa sa kanyang alaga na mala-Richie Rich pero without the heart. Richie Rich cares for his friends, yung mga mahihirap na bata at maski na sa household help ng family. Pero, brat talaga si Angelina all throughout the film.

Panoorin n’yo and tell me kung hindi tama ang observation ko na kailangan namang pabaitin ng kahit konti si Angelina.

AIKO MELENDEZ

ALJUR ABRENICA

ANG NAGSIMULA

ANG PANDAY

ARMIDA SIGUION-REYNA

PERO

RICHIE RICH

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with