^

PSN Showbiz

Anthony, Sol, Atom isang taon na sa kalye

-

MANILA, Philippines - Sa loob ng isang taon, naipakita ni Anthony Taberna, Sol, Aragones, at Atom Araullo ang tunay na mukha ng lipunan sa “Kalye: Mga Kuwento ng Lansangan,” kung saan hindi lang nila inulat bagkus dinanas din ang buhay ng mga taong kumakatawan sa iba’t ibang isyu ng bayan.

Dinala na nila tayo sa kasuluk-sulukan ng Kamaynilaan, sa kailaliman ng dagat, at kung saan man may isang kuwentong naghihintay na mailahad. Sa isang pagbabalik-tanaw, ibinahagi ng tatlo ang mga istoryang hindi nila malilimutan na tunay na humamon sa kanilang tapang at nagbuhat sa kanila ng aral.

Para kay Anthony, ito ang pagpipiyon sa konstruksiyon kung saan buong araw siyang nagbuhat ng saku-sakong semento paakyat ng 22 palapag ng gusali. “Trinangkaso ako pagkatapos.”

Pinili naman ni Sol ang kanyang ulat sa parada ng Poong Nazareno kung saan muntik na siyang mapahamak nang subukang umakyat sa karosa.

Samantala, si Atom naman ay sumisid sa maruming tubig upang ilahad naman ang buhay ng mga kabataang nangunguha ng bakal sa pier sa Baseco.

Sa pagpatak ng unang anibersaryo ng Kalye, mas magiging mapangahas pa sila sa paghahanap ng mga kuwento. Sabi nga ni Anthony, marami pang

kuwento sa lansangan ang naghihintay maibahagi.

Bilang pasimula, kakalkalin nila Anthony, Sol, at Atom ang isa sa pinaka­malaking isyu sa bansa – ang problema sa basura at ang kahirapang kaakibat nito.  

ANTHONY TABERNA

ARAGONES

ATOM ARAULLO

BASECO

BILANG

DINALA

KALYE

KAMAYNILAAN

MGA KUWENTO

POONG NAZARENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with