^

PSN Showbiz

P20K sa short interview, aktres pinagkakakitaan ang pagpapa-interview sa TV

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Ibang klase ang aktres na matagal nang inactive sa showbiz dahil may katapat na talent fee ang bawat interbyu sa kanya sa TV. Maiin­tindihan ko ang drama ng aktres kung reasonable ang TF (talent fee) na kanyang hini­hingi. Ang kaso, libu-libong piso, as in umaabot sa P20K ang kanyang singil para sa isang short VTR interview, eh hindi naman siya superstar. Nahahalata tuloy na matindi ang kanyang pangangailangan. ’Kaloka siya ha?

* * *

Wala pala sa Pilipinas si Robin Padilla. May nagsabi sa akin na umalis siya para sa tatlong lugar na pupuntahan niya sa Middle East ­­– sa Bahrain, Dubai, at Iran.

Muslim si Robin. Matatapos na ang Ramadan bukas at sure ako na may kinalaman sa Ramadan ang biyahe niya sa Middle East.

Sa mga fans ni Robin na nagtatanong ng kanyang next TV show, pahinga muna siya sa mga teleserye. Uunahin muna ni Robin ang pelikula na gagawin niya sa Star Cinema. Ayaw pang sabihin ni Robin ang pangalan ng kanyang makakapareha sa project niya sa Star Cinema.

* * *

Nagkausap kami ni Atty. Adel Tamano noong Biyernes. Sinabi niya sa akin na tuloy ang pagkandidato niya sa pagkasenador sa eleksiyon sa susunod na taon.

Kakandidato si Papa Adel sa ilalim ng Nacionalista Party ni Senator Manny Villar. Ang pagpasok ni Papa Adel sa pulitika ang dahilan kaya hindi siya nakasali sa Season 3 ng Celebrity Duets.

Mahilig kumanta si Papa Adel. Gustung-gusto niya na mag-join sa Celebrity Duets pero hindi siya umubra. Ipinagbabawal sa show ang pagsali ng mga kakandidato sa 2010 elections.

Nakalusot lang noon si MMDA Secretary Bayani Fernando dahil malayo pa ang eleksiyon nang sumali at manalo siya sa Season 2 ng Celebrity Duets. Kung natuloy ang pagsali ng Papa Adel sa Celebrity Duets, siguradong siya ang heartthrob ng show, hindi si Akihiro Sato.

* * *

Naging makatotohanan ang isang female celebrity contestant ng Celebrity Duets. Hindi siya nahiya na sabihin sa akin ang kanyang pagpunta sa Greenhills para bumili ng mga sim card at cellphone loads dahil iboboto niya ang sarili.

Nagmamadali pa siya nang magpaalam sa akin dahil baka matrapik siya sa pagpunta sa Greenhills.

Mukhang marami ang sim card at cellphone loads na binili ng Celebrity Duets contestant dahil hindi siya nag-goodbye sa show noong nakaraang linggo. Gagawin daw niya ang lahat para manalo siya sa contest na kanyang sinalihan.

* * *

Hindi pinagbabawalan si Sarah Geronimo ng kanyang mga magulang na makipagrelasyon dahil sariling desisyon niya na huwag munang ma-in love.

At lalong hindi pinaghihigpitan si Sarah ng tatay at nanay niya dahil pati ang kanyang ate, wala ring boyfriend. Gusto ng kapatid ni Sarah na makatapos ng pag-aaral kaya wala pa sa utak niya ang pakiki­pagrelasyon.

Napakasuwerte talaga ng mga magulang ni Sarah sa pagkakaroon ng mabubuting anak. Kahit sikat na sikat si Sarah, nakatuntong ang paa niya sa lupa. Wala siyang ka-ere-ere. Hindi siya katulad ng mga malditang young actress na lumaki agad ang ulo nang magkaroon ng name at hit movies.

Sa totoo lang, walang kaagaw si Sarah sa kanyang trono. Siya lang sa kanyang mga kaedad ang may hawak ng record na kumikita ang mga pelikula at concert.

vuukle comment

CELEBRITY DUETS

KANYANG

MIDDLE EAST

NIYA

PAPA ADEL

SIYA

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with