Ogie at Michael V, walang pakialam sa billing
Never naging problema sa magkaibigang Ogie Alcasid at Michael V ang billing. Sino man ang mauna sa kanila ay ipinamamahala na nila sa kanilang mga producer o kung sino man ang dapat umasikaso nito. So far wala naman makitang problema dahil sa kanilang Yaya and Angelina The Spoiled Brat Movie, maaring mauna ang pangalan ni Ogie sa credits pero sa titulo ng pelikula una si Michael bilang yaya.
Oo naman, hindi sa billing dapat magkatalo kundi sa performance.
* * *
O tingnan mo nga naman at kahit tahimik at hindi ako naimbitahan, nalaman ko sa mga sekretarya ko na ikinasal na pala ang dating taga-That’s at ipinagmamalaki ko ang naging accomplishment sa showbiz at maging sa kanyang buhay
Ito si Mutya Crisostomo after That’s ay nag-join din sa isang malaking kumpanya bilang isang head ng isang department. Bukod sa nakilala siya nung kanyang panahon bilang artista, gumawa pa siya ng pangalan sa larangan ng beauty contest nang manalo siyang Mutya ng Pilipinas, tulad din ng kanyang inang si Alice Crisostomo.
Ikinasal na si Mutya pero hindi rito kundi sa Singapore.
Sana nga ay maalalang bumalik ng Pilipinas ni Mutya.
* * *
Ang dami-daming sumasali sa StarStruck. Masisisi mo ba ang maraming kabataan na gustong magbago ang buhay kapag nanalo dito?
Hindi lamang malaking halaga ang mapapanalunan nila, magkakaroon pa rin sila ng bahay at kotse. Pero marami sa kanila ang hindi dito nakatuon ang pansin kundi sa pangyayaring baka sumikat sila.
- Latest