^

PSN Showbiz

Reporter sabit sa issue nina Ara at Secretary Puno

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Natanggap ko ang e-mail ni Judith delos Reyes ng Hong Kong. Gusto ni Judith na i-phonepatch interview ako sa radio program nila sa HK na may title na Good Evening Kabayan.

Type ko sana ang offer ni Judith, maliban sa isang problema. Pang-gabi ang radio program niya at mahirap na akong mahagilap sa gabi dahil nakatutok ang atensiyon ko sa aking mga favorite teleserye na ayokong ma-miss.

Walang puwedeng makaabala sa akin sa gabi dahil pagkatapos manood ng mga teleserye, natutulog na ako.

Sinasabi ko na ang totoo dahil ayokong paasahin si Judith at ang mga Pilipino na involved sa Hong Kong radio program. Kung talagang gusto nila akong mainterbyu, payag ako na mag-live basta sagot nila ang pamasahe at hotel accommodation ko sa Hong Kong. It’s about time na ma-meet nila ako nang personal. It’s about time daw o!

* * *

Ilang name ng mga showbiz reporter ang lumitaw sa imbestigasyon ng DILG tungkol sa mga text message ng paninira kay Secretary Ronnie V. Puno.

Hindi ko na sasabihin ang pangalan ng mga sus­pect. Tama na ‘yung alam nila na kilala na ng DILG ang mga katauhan nila. Sila na nagpapakalat ng mga text message na girlfriend ni Papa Ronnie si Ara Mina.

Hindi totoo ang tsismis na ikinakalat ng mga suspect dahil kung true ang kanilang mga paninira, hindi sila gagamit ng mga anonymous number.

Hindi nag-isip na mabuti ang mga naninira kay Papa Ronnie. Dahil sa kanilang ginawa, lalong naging sikat si Papa Ronnie. Nag-uunahan ngayon ang ibang mga showbiz reporter na mainterbyu si Papa Ronnie.

Dati nang kilala si Papa Ronnie pero nadagdagan ang interes sa kanya ng madlang-bayan dahil iniu­ug­nay ang name niya kay Ara. Politics plus showbiz equals big controversy.

* * *

Nagsimula ang mga paninira kay Papa Ronnie nang ihayag nito ang kagustuhan na kumandidatong Vice-President ng Pilipinas para lalo siyang ma­katulong sa bayan.

Na-threaten ang detractors ni Papa Ronnie kaya naghanap sila ng paraan na siraan siya.

Si Ara ang napili nila na gamitin dahil todo ang suporta ni Ara sa pamilya ni Ruby Rose Barrameda.

Tinulungan ng DILG ang Barrameda family sa imbestigasyon sa pagkawala ni Ruby Rose.

Dumalo si Ara sa presscon na ipinatawag ni Rochelle Barrameda. Birthday noon ni Ruby Rose. Nagpasalamat si Rochelle sa DILG at kay Papa Ronnie. For the first time, ipinagtapat niya na matagal na silang tinutulungan ni Papa Ronnie at ng DILG para mapabilis ang imbestigasyon at paghahanap sa katawan ni Ruby Rose.

Sinabi ni Rochelle sa presscon na malaki ang utang na loob ng kanyang pamilya kay Ara dahil ito ang naglapit sa kanila sa DILG at binigyan ito ng malisya ng mga intrigera. Nalimutan nila na tinutulungan ng DILG ang lahat ng mga nangangailangan ng kanilang tulong. Wala silang pinipili, mayaman o mahirap, may name o wala.

Kaya sa mga naninira kay Papa Ronnie, nagkamali kayo ng biniktima dahil knows na niya ang inyong mga identity. Hawak na ni Papa Ronnie ang mga ebidensiya na magdadawit sa inyong mga name! Ewan ko lang kung may aksyon siya na gagawin dahil busy pa si Papa Ronnie sa pagtulong at pag-aasikaso sa mga kababayan natin na higit na nangangailangan ng kanyang tulong.

* * *

Hindi ako naniniwala na afraid ang mga bata sa role ni Mura sa Darna dahil kilalang-kilala nila si Impy.

Impy ang name ng impakto character ni Mura sa Darna at imbes na katakutan siya, aliw na aliw sa kanya ang mga bata. Si Impy ang hinahanap ng mga bagets sa mga eksena ng Darna. Nalulungkot sila kapag hindi nila napapanood si Impy.

ARA MINA

DAHIL

DARNA

HONG KONG

NILA

PAPA

PAPA RONNIE

RONNIE

RUBY ROSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with