^

PSN Showbiz

TF ni Marvin sa GMA hindi binawasan, kahit pang-hapon na lang ang show

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Bagay na bagay kay Sarah Geronimo ang title ng November 7 concert niya sa Araneta Coliseum na Record Breaker dahil sa lahat ng aspeto ng kanyang career, mula sa pelikula, concert at recording ay box-office hit at walang kokontra dahil totoo.

Si Rico Gutierrez ang director ng concert na sabi’y idea ni Mr. Vic del Rosario ang title na Record Breaker. Ang peg ni direk Rico sa concert ay ang concert ni Celine Dion sa Las Vegas na lalong ikina-pressure ni Sarah.

“Ang concept ng concert ay combination of senses and emotion. Gusto namin ng team ko, paglabas ng tao, masaya sila at pinag-uusapan pa rin ang kanilang napanood. Hindi na kailangang i-reinvent si Sarah, Sarah is Sarah,” sabi ni direk Rico.

Samantala, na-grill na naman si Sarah ng kanyang lovelife, pero wala pa talaga itong maikuwento sa press dahil career at studies ang priority niya. Kung masusunod ang kanyang gusto, after five years pa siya magbo-boyfriend.

Sasagutin na sana ni Sarah ang tanong kung na-disillusion siya sa balitang John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez relationship, pero hindi nito itinuloy ang sasabihin.

 “Medyo, kasi alam naman nating…, ay ‘wag na lang ho nating pag-usapan ‘yun dahil tapos na naman ‘yun,” pakiusap ni Sarah.

Bukod sa concert, may two albums si Sarah na aabangan ng kanyang fans. Mauunang i-launch sa October ang Christmas Girl at November naman ang launching ng Music and Me.

* * *

Masaya si Iza Calzado na hindi sabay ang showing ng Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie at The Echo na pareho siyang kasama. Sa September 23, ang showing ng first movie at Sept. 30 ang huli.

First comedy movie ni Iza ang Yaya and Angelina, excited siya’t may chance na siya to showcase her talent sa comedy. About time na raw for her to do something outside of the box at matagal na niyang gustong gumawa ng comedy.

Nagsimula na rin si Iza na mag-taping ng Kaya Kong Abutin Ang Langit at ka-back-to-back nito ang TV remake ng Tinik Sa Dibdib na bida naman si Sunshine Dizon. Naramdaman ni Iza kung saan papunta ang mga susunod na tanong tungkol sa kanila ni Sunshine.

“Okey naman kami, wala kaming problema. Ayoko na lang pag-usapan dahil trabaho ang focus ko at ‘pag inintindi ko pa ang isyung ‘yan, ako ang nagsa-suffer.”

Sa September 28, ang airing ng KKAAL at ang tsika’y sabay ang presscon nila ni Sunshine sa iisang venue.

* * *

Si Marvin Agustin ang kapareha ni Sunshine Dizon sa Tinik Sa Dibdib at kailangan niyang galingan ang acting para hindi siya mapag-iwanan nito. Ang bigger challenge sa kanya’y mag­paganda ng katawan dahil role ni Phillip Sal­vador sa movie ang kanyang gagampanan at ma­dalas topless sa mga eksena.

Mabuti na lang daw at nag-a-archery siya, naka­kapag-workout at kahit papaano’y maganda ang katawan at may muscle sa tamang parte.

Walang keber si Marvin kung afternoon soap ang next show niya pagkatapos ng Adik Sa ‘Yo na primetime dahil ang importante, may trabaho siya. Saka, mataas din naman ang ratings ng afternoon soap ng GMA 7 at pareho rin ang kanyang talent fee.

* * *

Pagkatapos ma-eliminate si Janina San Miguel sa Celebrity Duets 3 last Saturday, mas mag-i-effort ang eight remaining contenders para makaligtas sila sa tsugihan at magtagal sa contest para mas malaki ang tsansang manalo.

Mamaya, makaka-duet ni Gina Alajar si Tirso Cruz III, si Ara Mina ang ka-duet ni Niccolo Cosme, ang Moymoy Palaboy ang makakasama ni Nonito Donaire, Jr. Si Gretchen Espina ang ka-duet ni Mikaela, si Allan K ang kay Akihiro Sato, si Aiza Seguerra ang natoka kay Maxie Cinco, at si Jett Pangan ang ka-duet ni Jomari Yllana. ‘Di pa alam kung sino ka-duet ni Joel Cruz.

vuukle comment

ADIK SA

AIZA SEGUERRA

AKIHIRO SATO

IZA

RECORD BREAKER

SA SEPTEMBER

SARAH

SUNSHINE DIZON

TINIK SA DIBDIB

YAYA AND ANGELINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with