Binigyan na ng walking paper: Top Exec ng isang network pinatalsik
Nalulungkot kami para sa isang (dating) top executive ng isang TV network na out of graces na sa network na kanyang pinaglingkuran ng mahabang panahon dahil hindi na umano ito ganoon ka-creative in terms of projects na nagri-rate. Iba’t ibang posisyon na rin ang hinawakan ng executive na ito sa kumpanyang inakala niyang may malasakit din sa kanya.
Kung tutuusin, ang executive na ito ay marami ring nagawa at naiambag para maabot ng TV network ang kanilang estado ngayon. Pero sadya nga yatang napaka-ungrateful ng mundong kanyang ginagalawan.
Sa halip na siya’y suportahan at bigyan pa ng pagkakataon para maipamalas ang kanyang galing ay binigyan umano ang executive ng kanyang walking paper, isang indikasyon na hindi na kailangan ang kanyang serbisyo ng TV network na kanyang pinagsilbihan ng halos dalawang dekada.
How sad!
* * *
May apat na taon na ring celebrity endorser si Sam Milby ng Dermablend Papaya Whitening Soap na pag-aari ng BCP Dermatological Corporation at natutuwa ang kumpanya dahil effective endorser ang ex-boyfriend ni Anne Curtis kaya naman hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagpapalit ng image model.
* * *
When it’s time for someone to shine, mangyayari ito sa tamang panahon. At ito ang nangyayari ngayon sa nakababatang kapatid ni Ara Mina na si Cristine Reyes.
Si Cristine ay maagang na-eliminate sa Starstruck 1 artista search na pinagmulan nina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Yasmien Kurdi at Rainier Castillo. Ka-batch din nila sina Katrina Halili, Nadine Samonte, Sheena Halili at iba pa.
Pero sa kabila nito, binigyan pa rin si Cristine ng break ng GMA 7 kung saan siya unti-unting nakilala bago siya mag-desisyon na lumipat ng Kapamilya network para gawin ang TV version ng Eva Fonda na nakakuha ng special award sa nakaraang Seoul International Drama Awards sa Seoul, Korea na personal niyang dinaluhan at tinanggap ang award.
Si Cristine ay nasa pangangalaga ngayon ng Viva Entertainment. Siya ngayon ang featured sa Your Song....Babalik Kang Muli at may dalawang pelikulang pinagkakaabalahan, ang Patient X with Richard Gutierrez at ang Ang Darling Kong Aswang with Vic Sotto at magiging kalahok sa darating na Metro Manila Film Festival.
First MMFF movie bale ito ni Cristine at walang iba kundi ang MMFF king na si Vic Sotto ang kanyang makakapareha under OctoArts Films, M-Zet TV Production at APT Entertainment.
* * *
Kung ang Star for All Seasons at Batangas governor na si Vilma Santos lamang ang masusunod, gusto niyang magkasundo at magkabalikang muli ang anak niyang si Luis (Manzano) at ex-girlfriend nitong si Angel Locsin dahil nakita niya kung gaano kasaya ang dalawa before. Pero wala umano siyang alam sa tunay na dahilan ng paghihiwalay ang dalawa dahil hindi naman daw niya tinatanong ang kanyang binata at ayaw din umano niyang makialam.
Hindi rin mahagilap ngayon si Angel magmula nang magtapos sa ere ang Only You nila nina Diether Ocampo at Sam Milby.
* * *
Marami ang nagtatanong kung ano ang pinagkakaabalahan ngayon ng dating Miss Magnolia at dating co-host ng Student Canteen na si Malu Maglutac?
Si Malu ay may asawa na, ang kilalang businessman na si Roy Chiongbian at meron silang anak, si Anara now 13 years old. Since papasukin na ang pulitika ng mister ni Malu, siyempre todo suporta si misis.
Kung hindi kami nagkakamali, si Roy ang makakabangga ni People’s Champ Manny Pacquiao sa pagka-kongresista sa Saranggani Province sa darating na halalan.
- Latest