^

PSN Showbiz

Kaya ayaw ni Kris maging Ninoy si Cesar, di dumalaw sa burol ni Tita Cory

PERUSE ME - Ronnie Carrasco -

Minsan nang nagbantang sasampahan ako ng kasong libelo ni Regine Tolentino along with her husband Lander Vera-Perez. Mid-’90s iyon. But for some reason, hindi naman pormal na inihain ng mag-asawa ang reklamo sa korte.

Just recently, ipinaghimutok ni Regine ang napaulat sa isang broadsheet (hindi ang sister publication ng PSN na The Philippine Star) na kinasuhan siya ng Social Security System (SSS) dahil sa umano’y unremitted contributions ng kanyang mga empleyado.

Regine is the proprietress of her own Regine’s Children’s Wear, isang negosyong itinayo niya noong siya’y beinte uno anyos pa lang. May opisina ito sa kanyang mismong tirahan sa Barangay Damayang Lagi sa Quezon City.

Ayon sa dokumento ng SSS, aabot sa P20,950.80 ang halaga ng kailangang bayaran ni Regine covering the period from August 2007 to January 2008, bagay na agad pinalagan ng Dance Diva. Ang kanyang accountant ang siyang nangangasiwa ng lahat ng kanyang mga bayarin. Iginiit pa ni Regine na isa siyang ‘‘law-abiding, tax-paying citizen.’’

Bagama’t sa ikalawang pagsadya ng kampo ni Regine sa SSS (Cubao branch) para isaayos ang problemang iyon (miscommunication umano ang itinuturong ugat), hindi pa rin matahimik ang TV host-dancer kung paanong nagkaroon ng access ang media sa dokumento ng SSS. Nagpahiwatig pa siya ng pagiging iresponsable ang sumulat ng naturang item dahil hindi man lang kinuha ang kanyang panig.

So, do we see a libel case waiting to be filed against the broadsheet writer? Basta ako, I’m already off the hook long before.

* * *

Between Cesar Montano and Piolo Pascual, personal choice ni Kris Aquino ang huli para bigyang-buhay ang papel bilang Ninoy. Kung edad kasi ang pagbabasehan, Piolo fits within her father’s age bracket noong ito’y makulong sa ilalim ng rehimeng Marcos.

Pero mukhang there’s an equally crucial consideration na ayaw lang diretsahin ni Kris kung bakit hindi siya sold kung si Cesar ang gaganap sa naturang papel.

Ayon kay Kris, buhay pa noon ang kanyang inang si Cory Aquino ay meron nang negosasyon between Cesar and her family. Inilibot pa nga ng dating pangulo ang aktor sa tahanan nila sa Times St. bilang bahagi ng pagpapalagayan ng loob sa isa’t isa.

In fairness though to Cesar, to breathe life sa itinuturing na Pambansang Bayani and multi-awarded Marilou Diaz-Abaya will direct the film. 

Pero kuwento pa ni Kris, talks came to halt nung kumandidato si Cesar sa pagka-senador noong 2007, but lost. Lalo pang tumibay ang pagkakapisil ni Kris kay Piolo nung makiramay ito sa kanyang ina.

As opposed to Cesar na hindi dumalaw sa burol.

AYON

BARANGAY DAMAYANG LAGI

CESAR MONTANO

CORY AQUINO

DANCE DIVA

KANYANG

KRIS AQUINO

LANDER VERA-PEREZ

MARILOU DIAZ-ABAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with