Actress pumirma ng kontrata sa ibang kumpanya
Super healthy ang buto ni Charlene Gonzales-Muhlach nang magpa-bone scan siya kamakailan.
Kung sabagay, hindi na kailangang itanong kung bakit. Adik siya sa sports. Wala yatang sports na hindi alam ang dating beauty queen.
Pareho sila actually ni Aga Muhlach na lahat, kayang gawin pagdating sa sports.
Kaya naman super healthy hindi lang bones niya (Charlene) kundi ang buong katawan.
Magaling si Charlene sa badminton, nakikipagsabayan sa biking, wake boarding, basta lahat ng ginagawa ng asawa niyang si Aga, ginagawa rin ni Charlene.
Eh wala naman silang bisyo, kaya parehong malalakas ang katawan nilang mag-anak kasama na ang kambal na sina Atasha and Andres. Sinasanay rin kasi nilang maging maliksi ang kambal kaya ngayon ay mahilig na rin sa sports. Magaling na sila (kambal) ngayong mag-wake boarding.
Pagdating sa pagda-drive kahit sa matarik na lugar, magaling si Charlene.
Naalala ko noong hindi pa nagagawa ang property nila sa Batangas. Ipinasyal niya kami sa matirik pa noong lugar na siya ang driver ng sports car ha. Kayang-kaya ng TV host/beauty queen. Walang katakut-takot.
Kaya nga perfect choice siya na maging Anlene’s new ambassador and advocate for bone health na nagkaroon ng launching kahapon. Malaki raw ang magagawa ng Anlene para mas tumibay ang buto at makaiwas sa sakit.
Pero bago niya tinanggap ang nasabing trabaho, pinag-aralan muna niyang mabuti kung ano ang epekto ng nasabing gatas sa katawan ng mga Pinoy.
“After the session, I see how important is to take care of your bones. Because I could never imagine myself to be inactive (if hit by the disease),” sabi ni Charlene kung sakaling humina na nga naman ang buto niya ay hindi na kayang makipagsabayan kay Aga. “Osteoporosis is something you wouldn’t actually feel until it’s too late, so why wait for that? So knowing that you still have that option or choice to maintain the active lifestyle for the rest of your life. It was such an eye-opener for me seeing the presentation. I just want to stay active forever.”
So ngayon pa lang, sabi nga ni Charlene, uminom ng gatas at “listen to your bones.”
* * *
Pumirma na pala ng kontrata sa ibang film outfit ang isang aktres na dating exclusive na alaga ng isang network.
Kuwento ng source, dalawang pelikula ang naka-schedule gawin ng nasabing aktres sa kanyang bagong home studio.
Matagal na alaga ng isang network ang magaling na aktres na ito na halos dekada rin ang binilang. Taon na ang nakakaraan pero pahinga pa rin sa paggawa ng pelikula ang aktres na ngayon ay pamilyado na.
Matagal na rin walang TV show ang nasabing aktres dahil naging issue noon ang masama raw nitong ugali.
Pero may nagtanggol naman sa kanya.
Parati lang daw itong nagkaka-problema sa last na TV show niya dahil ayaw na nitong magtrabaho ng more than 24-hours straight.
Saka hindi na rin daw natutukan ang career ng aktres ng mga nag-aalaga sa kanya dahil may ibang priority ang ahensiyang may hawak sa kanya.
Wait na lang tayo sa gagawing pelikula ng aktres outside her mother studio.
* * *
Uy hindi na puwedeng laitin ang Rosalinda na pinangungunahan nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann. Nakapagtala na pala ito noong Biyernes ng 34% overnight rating.
At inaasahan nilang mas bobongga ang rating ngayong gabi kung saan mapipilitang magpakasal si Fernando Jose (Geoff Eigenmann) sa hipag nitong si Fedra (Katrina Halili).
Sa kuwento, sa pagkakaalam nila Fernando Jose, ilang buwan nang namamatay si Rosalinda (Carla Abellana). Sa mga panahong nagluluksa siya, si Fedra ang malapit sa kanya at nag-alaga ng anak nila ni Rosalinda na si Erica. Kagabi, naghanda ng candlelight dinner si Fedra at inalok ng kasal ang lalaking matagal na niyang pangarap na si Fernando Jose. Para mapakasalan, gagamitin ni Fedra si Erica at sasabihing ang kasal ay para sa kapakanan ng bata.
Ang Rosalinda ay napapanood gabi-gabi sa bago nitong timeslot sa GMA Telebabad pagkatapos ng Stairway to Heaven.
- Latest