^

PSN Showbiz

Perang pang-casino ng magdyowa inilagay sa kahon ng sapatos

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Usap-usapan ng mga Pinoy na nasa Las Vegas ang kagalantehan ng isang pareha na nagsugal sa isa sa mga casino sa Vegas. Handang-handa ang pareha nang pumasok sa casino dahil ang dalang pera ay nakalagay sa kahon ng sapatos.

Naloka raw ang mga kalaro ng dalawa dahil hindi maubus-ubos ang dala nilang pera at kuha lang nang kuha sa kahon ng sapatos. Masaya raw tumayo ang dalawa after ilang oras na pagsusugal dahil natalo man, maliit na halaga lang at ‘di pa rin naubos ang pera na nakalagay sa kahon ng sapatos.

* * *

Ikinuwento ni Kris Bernal ang experience niya sa first time niyang pagtu-two-piece on screen at nangyari ito sa shooting ng Nandito Ako… Nagma­mahal Sa ‘Yo na launching movie nila sa Regal Entertainment at showing sa September 30.

Noong una’y nahihiya pa siya at lumabas siya ng cottage na naka-shorts at may takip pang sarong. Nagtatago rin siya sa likod ni Aljur Abrenica para hindi makita ng tao ang kanyang suot, pero nang ipaalis ni direk Maryo J. delos Reyes ang sarong at shorts, wala siyang choice kundi sumunod dahil malaki ang tiwala niya sa kanilang director.

Later on, sinabi ni Aljur kay Kris na wala siyang dapat ikahiya dahil sexy siya at bagay sa kanyang height ang kurba ng katawan.

Pinaghandaan din naman ni Kris ang pagtu-two-piece dahil sumabay siyang mag-workout kay Aljur at kumuha pa ng trainer para siya’y tulungan.

Hindi pa tuwirang inaamin nina Kris at Aljur kung mag-ano sila’t matagal na naming naririnig na MU sila. Pero, parang magsyota ang sweetness ng da­lawa, laging naka-kapit si Kris sa kapareha at laging magka-holding hands na naakusahan tuloy silang PDA. Nagugulat din ang mga kasama nila sa movie dahil bigla na lang silang naghahalikan kahit wala sa harap ng camera.

Samantala, 90 percent kinunan ang mga eksena ng Nandito Ako…, sa Bohol at nag-shoot sila sa Chocolate Hills, Panglao Beach, Baclayon Church, Loboc River, Bee Farm, Hemontagon Hills, Tarsier Sanctuary, Tagbilan Pier, Café Lawis, Maribojoc Mangroove Plantation, Manmade Forest at Hinagdanan Cave.

* * *

Iniisa-isa ni Cristine Reyes ang boys ng Royal Era Entertainment dahil after Richard Gutierrez na kasama niya sa Patient X, si JC de Vera naman ang makaka-pareha ni Cristine sa horror movie ng Viva Films na Tumbok.

Pumirma na ng kontrata si Annabelle Rama sa Viva at nag-down payment na, kaya huli na ang paghahabol ng isang producer na gustong pigilan ang paggawa ng pelikula ng actor sa Viva Films.

Ang nabanggit na pelikula, ang bagong season ng Daisy Siete at four weeks na pagpi-feature sa kanya sa Maynila ang pagkaka-abalahan ni JC after Ngayon at Kailanman nila ni Heart Evangelista na nine days na lang at magtatapos na. Kung mababawi pa nila ang hacienda at kung magkakatuluyan pa sila ni Ayra (Heart), ayaw magkuwento ng actor at abangan na lang daw para hindi ma-preempt.

Magaling na actor si JC, pero ayaw magbanggit ng partikular role na gustong gawin dahil mas gusto niyang sino-sorpresa siya gaya ng mga ginampanan niya sa Obra. Pero kahit anong role ay kaya niyang gawin.

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ANNABELLE RAMA

BACLAYON CHURCH

BEE FARM

CHOCOLATE HILLS

CRISTINE REYES

DAHIL

NANDITO AKO

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with