^

PSN Showbiz

Mrs. Villar nakitsika kay Mother Ricky

-

MANILA, Philippines - Ang dating First Lady Mrs. Ming Ramos ang buena mano sa seryeng Women Behind Powerful Men sa Life and Style with Ricky Reyes nung isang Linggo alas-dyes hanggang alas-onse ng umaga sa QTV-11.

Kung nasiyahan kayo sa tsikahan nina Tita Ming at Mother Ricky ay tiyak na kagigiliwan din ninyo ang interbyu ng host-producer kay Las Piñas Congress­woman Cynthia Villar ngayong Linggo.

Tiyak ding masisiyahan kayo sa bagong segment na Glitters kung saan isasadula ang buhay ng isang mahirap na binigyan ng tulong ng pilantropong si Linabelle Ramos Villarica. At sa TESDA Success Story ay itatampok ni Tito Bu­boy Syjuco kung paano nagbago ang buhay ng dating tagarolyo ng sinulid na si Joel Pilotin na ngayo’y isa nang Administrative Officer matapos kumuha ng 3 buwang Plumbing kurso sa ilalim ng PGMA Scholarship grant.

Siyempre pa, laging inaabangan ang Great Hair Day kung saan nagbibigay ng demo sa ere si Mother Ricky na kinapupulutan ng aral ng mga babaeng sobrang abala at walang panahong mag-salon at pati na mga hairdresser na maraming napupulot na modernong estilo ng pagpapaganda mula sa beauty guru tuwing Linggo.

ADMINISTRATIVE OFFICER

CYNTHIA VILLAR

GREAT HAIR DAY

JOEL PILOTIN

LAS PI

LIFE AND STYLE

LINABELLE RAMOS VILLARICA

LINGGO

MING RAMOS

MOTHER RICKY

RICKY REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with