SNN iri-reformat ni Kris...Noynoy News Ngayon
Walang tigil ang ulan mahigit isang linggo na. Kaya ang siste, bukod sa grabeng traffic, nakakaloka ang lubak sa mga kalsada.
Grabe ang mga lubak particular na sa lugar na dinadaanan papasok sa aming opisina – sa likod ng Immigration office sa Maynila.
Sobrang lalim ng lubak sa mga panget na kalsada na parang nanaginip kang nasa siyudad ka pa pala. Hindi lang mga private vehicle driver ang panay ang emote sa nasabing panget na kalsada kundi maging ang mga pasahero ng jeep or malamang kahit driver ng jeep, naiinis na rin sa sobrang lalim ng mga butas ng kalsada.
Ang grabe, pag hindi mo nakita ang butas dahil may tubig, magugulat ka na lang na napadaan ka sa butas.
Super emote na ako dati pa dito sa kalsadang ito. Ewan ko ba kung may dumadaan ditong local government official ng Maynila para ‘di nila malaman.
Or kung gusto naman itong iwasan, dadaan ka sa ma-traffic na harapan ng City Hall. Pero another 30 minutes naman ‘yun. Sayang ang oras. Kaya magtitiyaga ka talaga sa malalalim na butas.
Hay kelan kaya ito lalagyan ng aspalto man lang.
***
Siguradong hurt na rin si Kris Aquino sa rami ng mga negative reactions sa kanyang pagiging madaldal particular na ngayong tatakbo na ang kanyang kapatid na si Noynoy sa pagka-pangulo.
Siya ang pinag-iinitan at pinaglalaruan.
Tulad ngayon, running joke na ang tungkol sa NNN as in Noynoy News Ngayon. Hindi na Showbiz News Ngayon (SNN). Ito na raw kasi ang magiging title ng programa ni Kris sa ABS-CBN with Boy Abunda na ini-spoof sa Banana Split nina Angelica Panganiban at Jayson Gaiza na NNNN, kung mananalo ngang presidente ang kanyang kuya.
At live na raw sa Malacañang ang programa gabi-gabi para i-update ang mga nangyari sa araw ni Noynoy – personal at trabaho man.
Well, kahit joke yun at kahit maraming naiinis sa kadaldalan ni Kris, parang mas ok na yun. At least, siguradong walang corruption sa magiging gobyerno ni Noynoy kung saka-sakali. Matatakot ang mga nakapaligid kay Noynoy na mangurakot dahil hindi sila makakaligtas kay Kris. Idadaldal sila nito sa NNN.
Hahaha.
Anyway, wala si Kris sa bansa. Kasalukuyang nasa Hawaii kasama ang buong pamilya.
Ang issue naman sa nasabing bakasyon ni Kris, sana raw i-extend na lang muna niya ang nasabing one month vacation para naman matahimik ang buhay ni Noynoy.
***
Kahit rumaragasa ang ulan dahil sa bagyo, tuloy daw ang taping ni Marian Rivera for Darna.
Wa raw itong care kahit umuulan at sa gitna ng kalsada ang fight scenes. At take note, naka-Darna costume siya. Kaya nga raw nagkagulo ang mga tao sa Balibago, Pampanga.
Nakapag-taping na rin daw si Ehra Madrigal para sa kanyang Babaeng Lawin episode.
Teka matanong nga kung walang sakit ngayon si Marian?
Kung sabagay, lagnatin man siya, sulit naman. Mataas ang rating ng Darna.
***
Tinatanong ng mga fans : Asan na raw si Angel Locsin. Bakit daw walang balita sa kanya. Wala raw silang naririnig na anything about her lalo na kung magkaka-programa ba ang aktres sa ABS-CBN.
Ang huling kita raw nila kay Angel, nadagdagan ang timbang nito kaya halatang-halata ang malaking balakang.
Asan nga ba si Angel after ng hiwalayan nila ni Luis Manzao.
Si Luis ratsada sa trabaho. Eh siya, ano kayang ginagawa?
- Latest